12.28.2011

Heartbreak

12:00 pm....

Lunchbreak...

sa office...


Officemate: "Kakain ka ba Arkibeki?"
Arkibeki: "....."
Officemate: "Arkibeki?"
Arkibeki: "..."
Officemate: "Huuuyyy!!!! Tulala ka na naman!"
Arkibeki: "Huh?!"
Officemate: "Hulaan ko, heartbroken ka na naman no?"
Arkibeki: "Wala na kami ni Future...(with matching pa-fading voice)."
Officemate: "Ang hirap kasi sa yo sobra ka magmahal, di ka nagtitira ng para sa yo!"
Arkibeki: "Anong magagawa ko, (peram Jolens) kapag ako ay nagmahal, masakit man ito di ko ito ikakahiya..."
Officemate: "Gaga! Magtira ka kahit konti!"
Arkibeki: "...."
Officemate: "O! San ka pupunta? Di ka ba kakain?"
Arkibeki: "Di na muna. Maglalakad lakad muna ako, palipas lang ng sama ng loob..."

Palabas ng corridor, andami kong nakasalubong na magla-lunch....

Di ko namalayan bigla na lang nag-dim yung mga ilaw...

At parang may pamilyar na musika akong narinig...






Lakad lang ako ng lakad...

Hanggang makarating ako ng Audio Visual Room namin...

Ilang beses nagpaulit-ulit 'to sa isipan ko...

Ang katanungang 'to sa isipan ko...





"How many times will it take?"

"To get it right...."


;(

12.22.2011

I'm Not Threatened!

Manager:  "Arkibeki ano nga ba spelling ng threaten?"
Arkibeki:  "Bakit mam may kaaway kayo?"
Manager: "Gaga di kaaway magiging kaaway palang!"

At nagpakawala kami ng manager ko ng isang mala-Kris Aquino na tawa na:
HA HA HA HA HA

Anyways, I just need to get this off my breast este my chest.

Last, I think 2nd week ng November may bagong pasok kaming Officer. Tawagin na lang natin siyang Kulot.

Si Kulot ay beki. No more no less.

Siguro sa iba Bi. Kasi beki siya na di nagdadamit babae (well yan ang gustong definition ng iba for Bi ewan ko ba kung bakit?)

Eto na. In our team, simula nung pumasok si Kulot 3 na kaming lalaki. Yung isa straight talaga, ako na beki tapos si Kulot.

Kulot is a loud beki. Yung tipong nagma-Mariah Carey siyang boses when singing. He even talks about his buddy. Pakita yung pic nila sa cel kay officemate A tapos kay officemate B, ganon....

The chemistry between us is ok. Well nagtagpo ang dalawang beki na mahilig kay Regine Velasquez ba naman eh. Tapos pareho pa naming kilala si Andre Endique (oishi desu) at Lemuel Pelayo (yum). So in short, we get along.

Ewan ko ba sa akin. Naturingan akong beki pero mas gusto ko pa ang company ng straight na guys tapos company ng girls kaysa sa sarili kong katribo. Pero may pros and cons naman:
Gusto ko ang kanta ng mga girls, ayoko ng shopping!
Gusto ko ang games na nilalaro ng boys, ayoko naman when they start telling (green) stories!
Anyway, you get my point...

Ang problema ang mga officemate namin.

They want me to turn into Kulot 2.

Kasi open secret naman sa office ang pagiging beki ko. Sabihin nating I'm on the reserved type of beki (parang si Papa P lang...chos!). Here and there bumabanat ako ng beki jokes, nakikipagbiruan sa girls. Ok lang naman sa akin na tawaging beki, ayoko lang na ibo-broadcast mo pa sa buong office yung pagiging beki ko.

Kaya para sa inyo mga mahal kong officemates, dito ko sasabihin ang di ko masabi sa inyo ng harapan, kelangan ko lang ilabas to. And I will say this in English just to prove I'm dead serious. So here goes...

I am what I am.
I accepted the fact 8 years ago that I'm a beki. I also proved to myself that I can have nice friends who won't judge me because I'm different than anyone else.
This is me. This is real.
This is what I want to wear. Simple Ts and simple pair of jeans. Don't stereotype me just because I'm a beki. This is how I act. Don't tell me: "Arkibeki why don't you talk like Kulot?". I'm a beki but I'm not that flamboyant and loud. 
I won't change myself just to satisfy others!


Haaaa.....

Haaaa.....

Haaaa.....

Whew! Nakahinga rin. Medyo mahaba-haba yun ah. O Zsa Zsa Padilla, tigilan na natin tong kadramahan na to bago pa ako maiyak.

Pero penge muna akong tissue.

Nosebleed kung nosebleed ako sa mga English words na yun ;p

12.18.2011

Grocery Galore!

Hi mga beki!

6 days to go na lang to Christmas! Kaya dagsa ang mga ham, grocery basket at kung anik anik pa ng mga contractors sa office. Kakaumay na nga (chos!!).

Pero kung wala kayong mga contractors to provide you these freebies. Wala kayong choice kundi mag-grocery at your expense. Pero don't worry, Arkibeki is here to guide you in your shopping (shopping daw o!)

Especially kung sa Paranaque area kayo. Simulan natin from Sucat...

SHOPWISE (near BF)

PUREGOLD (near Valley 1)


SUPER 8 (formerly Uniwide - across Puregold)

SM HYPERMARKET (operational last Dec 15)

WALTER MART (Valley 2 - operational last Dec 2)

PUREGOLD JR (near Evacom)


SM HYPERMARKET (inside SM City Sucat)


PUREGOLD (Multinational)


and the latest chismax:

1. SM Supermarket will open in BF (yung dating Mcdo sa may kanto) probably next year(?)
2. Super 8 is..how should I say it? naghihingalo na...pinatay ni Puregold he he he...

Kaya mga beki, try to visit one of these store. Siguro may iba na ang pupuntahan yung mura, yung iba naman malapit sa kanila. It's your choice, iwasan nyo lang ang last minute shopping dahil ang dami ng tao ang di nyo maiiwasan pag ganon ;p

12.01.2011

Choices

Yup, straight (no pun intended) to the point. This post is about the Piolo-KC break-up.

To quote Ciara Sotto regarding the issue: "di na ko nagulat..."

Lumabas na ang Tell-All (kuno) Interview ni KC sa The Buzz. Airing her side of the story. Na diumano ang nasabing interview ay edited na at di pinakita yung portion na lumabas ang pangalan ni Mark Bautista sa bibig mismo ni Boy Abunda.

Pero I will focus on the comments na nababasa ko about the interview.

First, read between the lines daw sa mga statement ni KC. Malalaman na raw talaga na beki ang kanyang ex.

Next, ang diumano nangyari raw na pushed KC to the limit was nang mahuli niya sina Piolo at Mark na lumabas sa shower na magkasama.

Ngunit subalit datapwat sa comment na don't condemn Piolo if he is indeed gay, wala raw masama na beki siya ako nainis.

Here are my POVs:

1. Unang-una , walang masama kung beki ka, walang masama hangga't wala kang naaapakang tao sa pagiging beki mo.

2. What Piolo do at home is what Piolo do at home. Wala tayong pakialam sa ginagawa niya kasi it is his life. Kung CHOICE niyang wag mag-out and so be it. IT IS HIS CHOICE.

3. Ang di lang magandang tignan ay yung gumagamit pa siya ng "front" just to cover his "behind the scenes" activities. Pinangangalandakan niya pang may anak siya. Di niya ba naisip na kawawa yung girl na liligawan niya kuno at gagawing GF, at laong kawawa yung pamangkin... este anak niya daw. Yan ang kinakagalit ng bekilandia. NOT GOOD.... which brings us back to number 1.

Naalala ko tuloy yung press con ng ice cream na inendorse nilang mag-ina. I think Selecta ata yun...

Reporter: "Ma'm sa success na tinatamasa ng anak niyo ngayon, may mahihiling pa ba kayo para sa kanya?"
Piolo's mom: "Wala na siguro...pero ang gusto ko magkaapo na nga ako diyan...."
Reporter: "Eh di ba po may anak na siya, si Inigo po."
Piolo's mom: "....Ay! oo nga pala...."

Ang latest na narinig ko ang press release ng think tanks ng ABS ay si Maricar Reyes daw ang 3rd party. Ano yun tibamba si KC? Dyosme tigilan ako! And your guess is as good as mine... leading lady pa ni Piolo si Maricar sa new teleserye nila.

Pero ang narinig ko nababahala na raw ang Crisis Control Management ng Star Magic how to "cover" the issue....

So there....

11.22.2011

Klaus

'Yan ang namesung ng bago kong BF....

"CHOS!

Pero siya ang bago kong crush...

So ang tanong ng bekilandia, havey ba o waley ang itsu....

Bekis...may I present to you... Joseph Morgan!






Bloody hell! HE IS HOT!

Well British siya mga beki kaya kailangan ko nang praktisin ang twang ko no.

If he looks familiar to you, well because he is Klaus from The Vampire Diaries...


I'm an avid fan of the show since Season 2 (sadly di ko pa napapanood yung season 1, pero this Xmas Vacation bibili ako ng DVD para makumpleto ko yung istorya).

Nung una niyang pasok sa show, wala pa siyang appeal sa akin. In fact, inis ang na-feel ko that time kasi villain na villain ang dating niya.

Pero it all changed ng napanood ko yung interview niya sa Comic Con for the press release of TVD2. Napakajolly niya palang tao, very accomodating pa kamo. Lalo na pag nag-smile siya. Iba kasi yung smile niyang parang nag-iinis sa show, yung smile niya sa interview parang ang gaan gaan niyang kausap... you know? ;p

Lalo akong humanga kasi parang ang galing niyang ibahin yung persona niya in real life from his character sa TVD.

Kaya nga nung Mid-Season ender ng TVD3 nito lang last week, happy ako na hindi muna siya pinatay sa story :) Meaning, magkikita pa kami... CHOS!


Oh one thing, I don't know if it's just me, pero may naamoy ako sa kanya (parang Duncan James the 2nd), pero ok lang kasi crush ko pa rin siya no matter what. <3

10.14.2011

5 Don'ts in Facebook

After a long day of work, my only outlet is Facebook. Pampa-relax o pampatanggal ng stress, that's FB for me. Pwede akong mag-browse ng photos, manood ng links, etc.

Pero ang nakakainis eh 'yung pagbukas na pagbukas mo ng FB eh puro papansin ang nakikita mong posts.

Let's name five of these.

Again, this is my personal opinion, pwede kayong magreact: wag nga lang violent...choz!

5. Don't tag yourself in your own photo.
Kaya ka nagpopost ng pics mo sa FB ay para mag-share ng pics mo o kaya para lang magyabang. Kesyo nakarating ka na sa ganitong lugar o kaya kasama mo si ganitong artista. Well that's excusable. Pero over the top na kung pati sarili mo ita-tag mo pa. Enough na yung ipa-publish mong nag-add ka ng ganitong pics sa ganitong album. 'Pag tinag mo pa ang sarili mo para ka nang nagpapapansin niyan di ba?

4. Don't make "parinig" to your enemy/ies.
"Tatamaan ka rin ng kidlat hayup ka!" o di kaya "Masusundot ka rin ng toro sa puwet!". Mga ganong posts ang inis na inis ako dati. Kasi parang it is better to confront that person kaysa naman nagpaparinig ka ng kung anu-ano. Pero one friend told me that parang may halong fun daw kasi ito. "yung guessing game kumbaga. Parang pag nabasa na 'to ng enemy mo eh huhulaan niya pa kung siya ba talaga yun o ibang tao. So let me rephrase that statement: Don't make "parinig" to your enemies... if you don't want confrontation two to three days later ;p

3. Don't post where you are.
Isa na namang case tong kayabangan o di kaya papansin lang. Chuva is in Gold's Gym means he is flaunting he works out or he is in lust and looking for a quickie. Chuva is in Mang Inasal means kulang ka sa pansin. Dyosme naman pagkain mo lang sa Mang Inasal kalilangan mo pang ipost?

2. Don't post your (relationship) status.
Sa mga totong in-love OK lang. Ang nakakairita lang pag BEKI ka at gusto mong ipangalandakan na may BF/Buddy ka pero di lantaran ang iyong tunay na kasarian sa madla, anong gagawin? Magpo-post ng married status sa FB para lang ipaalam na taken na sila at wala ng mangungulit. Pero itanong mo kung sino ang lucky girl walang maisagot. Pano ba naman si girl ay guy pala talaga >:(

And the number one "Don't" sa FB na kinaiinisan ko...

1. Don't like your own post.
Kapag nagpost ka ng status, photo, video o kaya link, ang ibig sabihin non ay nagustuhan mo yung content o material within that post. So it is very redundant, I repeat REDUNDANT! ang pag-like sa sariling post. Either KSP ka lang o di kaya Narcissistic ka na talaga.

'Yun lang! 

10.07.2011

Opening!

Futakels!

After 5 days sa site na walang uwian, I present to you mga bekis ang first project ni Arkibeki....

Tadddaaaahhhh!!!! Savemore Balibago!

Kahapon lang ang opening kaya medyo ngarag ngrag pa ang lola niyo.

But before the highlights of the opening, konting flashback muna...

One week before opening kailangan mo nang mag-stay sa site para matutukan mo ang construction. kaya simula Lunes andun na ako para mag-supervise.

Patayan teh! Ang uwi ko na mga 2am ng madaling araw tapos kailangan mong pasukan ng 8am para i-supervise ulit sila.

Minsan nga iniisip ko dapat di na lang ako naging Arkitekto...

Pero ang sarap pala sa pakiramdam ng yung dinodrowing mo eh unti-unting natatayo. Worth it na rin kahit papano.

Feeling ko nanaba nga ako, pano ba naman kasi kahit magdamagan ang construction, lilibre at ililibre ka pa rin ng contractor mo ng sari saring lafangs.

From 8am to 5pm ok pa naman ang senses ko, gumagana pa naman ang pag-iisip ko nang matino. Pero once na mag 6pm na, yun na nata-traffic na ang neurotransmitters ko. Disoriented na si Arkibeki.

Kaya bili ako ng kape, di yung Sweet and Mild ha. Kasi di na morning...choz!!!! Syempre yung matapang para lagi kang gising. Tapos sinasabayan ko ng lakad-lakad para lalo kang magising.

Minsan nga naisipan kong....


Daming Choices! Parang Chowking lang!

What to drink? San Mig Light? Vodka Cruiser? O El Hombre kaya?

Pero di ko inaasahan na di pala alak ang magpapagising sa akin.

Ito pala....
Havey na havey. Ang tulis.... ng bridge, choz!

Kudos to the Kapampangans kasi in  all fairness maraming may itsura sa kanila, both men and women.

Nakasabay ko na nga magCR to, at umihi pa sa may urinal sa gilid ko. Siguro nahahatsing siya pag katabi ako (Pepper mga teh... o sige paminta na lang para sa mga naka-dial-up). Yung tipong nang-aakit...

Pero nalabanan ko ang Temptation of Wife mga beki. Ipokrita na kung ipokrita pero sa akin ganun pala yun, kapag meron kang love di mo na magagawang tumingin pa sa iba (hi Future).

So carry na lang kahit magpapansin siya. Walang violent reactions, bagong trim ako kaya di niyo maapakan ang hair ko no?

As far as the construction goes, merong highs, meron ding mga lows. Pero worth it lahat ng sakripisyo mo pag  dating ng opening.

Come October 7...

The usual may mass, may konting salo-salo for the bossings and guests, at merong aparisyon ng celebrity prior to the opening to the public.

Muntik na nga ako ma-tomboy sa artista namin...
Ang ganda mga beki! At ang sexy! Parang di kumakain. (Nope that's not me w/ her. Isa sa mga workers yan)

Overall it was a fun experience. Nakahinga na rin ako nang maluwag. Ang nasa isip ko that time ay makauwi at matulog ng parang wala ng bukas hi hi hi. Siyempre I miss my family na rin.

At siyempre miss ko na rin si Future.

Para ngang gusto ko siyang sabihan nito pag nagkita kami...

'Till next entry mga bekis! Toodles <3 <3 <3

9.27.2011

Cry Me A River...

Sorry mga bekis ngayon lang ulit ako nakapag-post. Medyo busy si Arkibeki these past few days. Malapit na kasi mag-open yung kino-construct naming project, kaya patayan na naman sa trabaho. Minsan nga muntik muntikan na akong abutan ng 12 minight sa office dahil lang sa Elevations at Sections na 'yan. Pero I make sure na di ako aabutan ng 12AM sa work. Hindi dahil takot ako sa multo, kungdi dahil...(sandali Leila Lopes pahiram muna ha?) Let me give you an advice:

"Nag-umpisa na ang araw ko sa trabaho, ayaw ko namang it will end sa work pa rin"...

TINNNGGG!!!

Choz!

Anyway, by the way high way, dahil sa Stress Drilon na rin ako sa work, something happened yesterday...


.... I cried.

Siguro naman lahat ng employees dito makakarelate sa akin. Yung typical na may sama ka ng loob sa boss mo dahil tinatadtad ka ng load o kay dahil napagalitan ka 'coz di mo na-meet yung deadline.

Well the latter one happened to me yesterday. The only difference ay 5 kaming magkakasama sa isang kuwarto when she yelled: " Ang bagal-bagal mo, tapusin mo yan!" sabay bato ng planong pinaghirapan mong gawin for 4 days. OK lang sana kung kagrupo namin yung kasama namin nang binulyawan niya ako, kaso sa kabilang Dept yun.

Kaya pagbalik sa table/workstation ko, di ko na napigilan ang sarili ko. I cry me a river. Siguro tumagal ng 15 minutes yung pag-emote ko na yun.

Hindi ko bina-blog 'to just to trashtalk my boss. O ihinga yung sama ng loob ko...


...gusto ko lang sabihin na ang pag-iyak ay hindi senyales na mahina ka. Pinapatunayan mo lang sa sarili mo na tao ka na may emosyon at nasasaktan din.


After all, di naman ako bato...este CHB wall na plasterd finish no? ;p

8.31.2011

Back to the Future

August 10, 2011...

Remember Future?

Kung yes? Good! Kung di, pakibalikan na lang mga beki ang mga previous entries ko (Sensya mga bekis ha di pa ako marunong mag-link).

Something happened sa date na I mentioned.

Konting balik tanaw muna mga bekis (flashback mga bekis sa mga sosyal).

Morning yun, di ko lang matandaan kung wat time, Stress Drilon na si Arkibeki kaya medyo magulo ang thoughts. Anyway gokongwei, we decided to meet sa aming paboritong mall.

Future:  "Arkibeki san ka na?"
Arkibeki:  Malapit na, 'kaw?"
Future:  "Dito na, san ka na ba?"
Arkibeki:  "Dito sa likod mo..."

Ang mga sumunod na eksena ay parang hinango sa pelikulang "Love of Siam".....



... Choz! I wish he he he


Napagkasunduan naming manuod ng sine, Captain America to be exact.

Halfway through the film, medyo nakaramdam ng lamig si Arkibeki, init ang solusyon kaya hanap naman ako ng source of heat. Aba akalain mong may 5'10" na source of heat ako na katabi ;p

The next thing leads to another, namalayan ko na lang na magkadikit na ang aming mga braso...

Pakiramdaman....

Dinikit ko ang kamay ko sa braso niya...

...walang resistance.

Hinilig ko ang ulo ko sa may balikat niya (subtle lang naman mga beki)...

...wala pa rin.

Dinantay ang kamay sa may hita niya...

....


....


....that moment niya iniwas ang hita niya. Nag crossed legs siya.

I get it naman eh, ayaw niya pa. So the rest of the movie, inenjoy ko na lang manood.

After 2 hours, nasa food court na kami. Ang pinili ko talagang spot ay yung walang masyadong tao. As you can see, Henry Sy, gusto ko nang matapos ang "Guessing Game" namin ni Future. Once and for all I want to hear a straight answer....

Arkibeki:  "Bakit mo iniwas yung hita mo kanina?"
Future:  "Ha?"
Arkibeki:  "Kanina, sa sinehan..."
Future:  "Ano kasi..."
Arkibeki:  "Bakit, naaasiwa ka ba?"
Future:  "Pinayagan ko nga na idantay mo yung ulo mo sa akin di ba?"
Arkibeki:  "Eh bakit nga?"
Future:  "Eh kasi kuwento ng mga barkada ko, pag yung mga bakla nila pag gusto ng sex, sa hita muna pinapadaan. Para raw kasing may nararamdaman silang kiliti kaya kahit ayaw nila pumapayag na rin sila."
Arkibeki:  "Ah ok ok (actually di ko alam na ganun pala ang perception ng mga lalaki doon, alam niyo namang bago lang ako sa ganitong kalakaran... choz!)"


Pagkatapos ng 4 na Sharksfin niya at 4 na Shrimp Wanton ko, nag-usap na kami ng seryoso...


Arkibeki:  "O ano may sagot ka na roon sa huling tanong ko sa yo? (see previous entries...)"
Future:  ......
Arkibeki:  "Didiretsuhin na kita, BAKLA ako, STRAIGHT ka, siyempre babae ang gusto mo. Pero alam mo naman kung gaano kita kamahal (anlalim!) di ba? Ayaw kong magpaka-ipokrito, gusto ko rin niyan (sabay turo sa junior niya), pero ayaw kitang pilitin kung di mo pa kaya. Tsaka niligawan naman kita hindi lang dahil dyan. Wala namang makakaalam eh, di naman nating kailangan ipagsigawan sa mundo na tayo na. Sa public ok na ako sa ganitong set-up: barkada, tutal dun naman tayo nagsimula di ba. Pero in private syempre dun ko na papakita ang affection ko sa 'yo."

Silence....

Matagal, siguro mga 10 seconds....

Future:  "Ayaw ko rin namang mawala ka sa akin eh, masaya naman ako pag kasama ka..."
Arkibeki:  "So... payag ka nang "maglevel up" yung relasyon natin?"
Future:  "Arkibeki, ayaw ko lang ng biglaang hawak hawak, alam mo na medyo bago lang ako sa ganito. Isa pa ayaw kong mawala ang respeto ko sa yo."
Arkibeki:  "Alam ko naman yon eh, kaya nga di ako agresibo. Tsaka sasabihan muna kita kung ok lang ba yung "contact" na gagawin ko..."
Future:  "Isa pa, wag  set-up. Ang pangit pakinggan."
Arkibeki:  "O sige friendship na lang, para kahit pag-usapan natin sa public ok lang, tutal alam naman nating dalawa kung ano talaga ibig sabihin nun..."
Future:  "Sige sige..."


Di ko lang sure kung 100% na bang payag si Future sa set-up namin, I mean "friendship". Maybe there is a part of him na hesitant pa, siguro may part naman na gusto lang niyang i-try ang pakikipagrelasyon sa isang beki. Siguro curious lang kasi may mga barkada raw siya na may mga karelasyon ding mga bekis. Only time can tell. Basta ang alam ko masaya ako 'pag kasama siya :)


Yeah I promised na walang makakaalam, pero I'm sorry Future ha, ang hirap palang itago lang sa sarili mo ang kasiyahan lalo na pag ang nagdulot nito ay ang taong mahal mo (anlalim ulit!)


Arkibeki:  "Pano kung nakawan kita ng kiss?"
Future:  "Siguro wag muna ngayon ha, di pa kasi ako ready sa ganyan..."
Arkibeki:  "Ok..."
Future:  "Wag muna ngayon ha?"



Sabi ko nga only time can tell  :)

8.11.2011

Say NO to SB 2770

Excerpt from www.architectureboard.ph, dated 08/11



Architects to Rally in the Crafting of the CE Law (via SB 2770)

Attention all registered and licensed architects (RLAs).

Last March 31, 2011, the Civil Engineers (CEs) through the office of Senator Panfilo Lacson, caused the re-filing in the senate (15th Congress) of a 2004 House Bill that was already decidedly defeated by the Architects and Archived in early 2005 by the House of Representatives (13th Congress).

As with the 2003 House version, the resuscitated senate measure still seeks to make the CEs the Prime Professional of the Construction Industry, particularly for the Architectural Planning and Design Buildings for human habitation, for which the Ces are clearly unqualified and disqualified under law i.e. the CEs have no academic nor sub-professional preparation for Architectural practice and the CE Licensure Examination does NOT test the examinees for knowledge or skillsets required for the Architectural Planning and Design of Buildings in stark contrast, the 450-question (2-day) Licensure Examination for Architects (LEA) is one hundred percent (100%) about the Architectural and Engineering (A&E) Planning and Design of Buildings and their settings/environs.

The current senate measure (Senate Bill 2770) subtly seeks to vest CEs with the Exclusive Professional Privilege of preparing, signing and sealing Architectural Documents i.e. Architectural Plans, Sections, Elevations, Specifications, Estimates, Drawings, Details, Documents, Reports, etc. and will allow the CEs to practice the separate state-regulated profession of Architecture in the Philippines (PH). The Legislative measure is apparently the CE solution to their failure to seek permanent remedies from the courts since they started filing cases in early 2005. The bill was filed at the Senate about a week after the unsuccessful March 2011 meeting between the Boards of Architecture and Civil Engineering at the Professional Regulation Commission (PRC).

Let all Architects rally to once again decisively defeat the provisions in the measure that will allow CEs to practice Architecture in the PH. As this concerns your future, please make it your urgent business stand up and be counted! Please get in touch (visit, write, call, text, email, facebook, twitter, etc.) with the Senator you know best, to help correctly craft a measure that shall finally and decisively separate the professions of Architecture and Civil Engineering in the PH after over 60 years of conflict.

In making representations with their favorite Senators, the RLAs may initially use the position paper crafted by the PRBoA and posted at the latest publications sections of this website.

Mabuhay ang mga 28,000 Arkitektong Pilipino!


8.05.2011

The Art of Letting Go

Now here it comes, the hardest part of all.
Unchain my heart that's holding on
How do I start to live my life alone?
Guess I'm just learning,
Learning the art of letting go...


Yup. It is official...

Wala na kami ni Present.


I don't know what went wrong.

He said: "Wala ka ng time sa akin."
I said: "Alam mo namang Monday to Saturday ang work ko."


He said: "Eh di kita tayo after work mo..."
I said: "Bhe Monday to Saturday work ko, 9am to 6 pm ang sked ko. Pero umaalis ako ng office magtu 12am na sa dami ng trabaho..."

He said: "Eh di tuwing Linggo? Kita tayo?"
I said: "Sige, pero di lagi lagi ha. Makakahalata rito sa bahay. Alis ako ng alis tuwing Sunday..."



Third week of July...

He said: "May pag-iisipan lang ako. Itetxt na lang kita kapag tapos na ako mag-isip..."
I said: "Ha? Ano naman ang pag-iisipan mo?"

No reply.


Two days later...

I said: "Bhe, sabihin mo naman sa akin kung may nagawa akong kasalanan. Ang hirap namang humingi ng sorry kung di mo alam kung para saan ung pinagso-sorry mo..."

No reply.

After two days (again)

I said: "Bhe?"

No reply (again)

Sabi ko eto na ba to?


Eto na naman ba 'to? 'Tong pakiramdam na 'to?


Pakiramdam na naramdaman ko kay Past?


True enough. Isang araw lang naman akong di lumabas ng kwarto. Nag-iiyak.
Pati sa work, nakapag-leave ako ng isang araw.



Kaya ayokong buksan ang puso ko eh. Di ko kasi alam kung ano ang gagawin ko pagdating ng araw na 'yon. Araw na kinakatakutan ko...


All I can say is...


Thank you Present.
Thank you for the three wonderful months na magkasama tayo. Ang saya saya ko during our time. Di ko lang alam kung nakita mo yon...


Thank you Jennylyn.
Thank you for the song.

It helped...

kahit konti :(

7.23.2011

Taxi Confessions

Anyong haseyo mga beki! Sensya na ha medyo matagal ang interval ng mga post ko. Galing kasi ako ng Korea... nagkita kami ni Hyun Bin. You know si Owen ng Secret Garden...

Chos!


Marami lang mga projects kaya medyo busy.


Anyway gokongwei. Nangyari lang ito last Tuesday.

Kapag pumapasok kasi ako sa work, Otokos FX ang sinasakyan ko, pero 'pag late na nagta-taxi na ako.

8:30 am, late na ako ng bonggang bongga. Hindi ko naman pwedeng ilagay sa Undertime Slip ang "Fashionably Late" na reason, naka-polo shirt lang kaya ako.

Kaya ang drama ni Arkibeki, para na ng Taxi.

Driver: "Sir, (Mam po kuya) sa'n po sila?"
Arkibeki: "Kuya sa MOA tayo."

Napansin kong medyo makwento si kuya, jolly kumbaga. Ask niya kung saan ako work, comment dito comment doon.

Hanggang may nadaanan kaming isang maganda at seksing bilat.

Aba si kuya biglang nag-dialogue ng ganito:

Driver: "Sarap siguro niyan."

So ako mega flip ng hair pa-kaliwa para tignan si kuya. Mga beki!!!! May fez ang loko!!!!

Gusto ko sanang digahan, tignan ko kung kakagat sa mga parinig ko...

but I'm afraid.

As you can see Henry Sy, inosente pa si Arkibeki sa mga ganitong bagay.

But I need to channel my inner Ms. Chuni. Nabanggit niya naman sa blog niya (www.misschuniverse.blogspot.com) na may mga driver na pumapatol sa mga PLU. Kaya after 10 minutes nagmorph na ako hi hi hi.


Arkibeki: "Masarap nga yan kuya... kaso walang dating sa akin yan eh."
Driver: "Ganon ba sir he he he?"

Arkibeki: "Kuya kinukulang ka ba ng boundary?"
Driver: "Minsan sir."
Arkibeki: "Ano'ng ginagawa nyo pag kinukulang?"
Driver: "Minsan tiis na lang, minsan napupuyat para lang umabot sa boundary..."

Eto na to, wala nang atrasan. Malaki naman ang bicep ko kung saka-sakaling bigwasan ako, masasangga ko naman kahit papano...

"This is the moment,
Damn  all the odds.
This day or never,
I'll sit forever with the Gods."


Arkibeki: "Kung gusto mo 'pag kinulang ka kuya text mo ko..."

After that, inalis ko ang tingin ko sa kanya. Tumingin ako sa may windshield, kinakapa ang sitwasyon. Pano kung bigla na lang niya akong tanggihan, or worse may dumapong right elbow strike sa mukha ko?

Nang...

Driver: "Bakit sir? Bakla ka ba?"
Arkibeki: "Hindi kuya, girl ako Bakit kuya hindi ba halata?"
Driver: "Ang galing nyo sir, di ko kayo nahalata nung una!"
Arkibeki: "So kuya bibigay mo na ba number mo?"
Driver: "Bakit sir? Ano ba magiging kapalit para lang may pangpalit ako dun sa kulang ko sa boundary?"
Arkibeki: "Hindi kuya magkukwentuhan lang tayo at magtetxt ng wan2sawa Syempre tetxt kita at alam mo na...kung kelan ka pwede o kung kelan ka kinulang txt txt tayo para alam mo na may mangyaring "give it to me".

The next scenario, we are exchanging cell numbers. And his name pala is John Paul mga beki.

Driver: "Pero sir sorry kung di ko kayo mareplyan ha? To tell you the truth di talaga ako pumapatol eh. Maraming nagpaparamdam pero hanggang doon lang yun sir. Di ko ini-entertain."
Arkibeki: "Ganun?"
Driver: "Kasi sir may asawa't anak na ako. 'Pag mainit pakiramdam ko, andyan naman si misis he he."

This time medyo sad na ang fez ni Arkibeki. Di na ako nakatingin sa kanya. Nakatingin na ako sa kawalan.

Driver: "Pero sir one time may sakay akong bakla, ang sabi hahawakan lang daw si manoy..."

Bigla tuloy akong nakarinig ng doorbell.
DINGDONG! DINGDONG! DINGDONG!

Arkibeki: "So?"
Driver: "Sabi niya bibigyan niya ako ng P200 pahawak ko lang daw."
Arkibeki: "Syempre tinanggihan mo?"
Driver: "Pinahawak ko sir, hawak lang naman eh."

Mabilis pa kay Lydia de Vega na hinagilap ko ang aking wallet. Nagbabakasakali.

Bukas ng zipper, bulatlat ng secret pocket...

Hanap dito, hanap doon...




Fastforward sa office:

Officemate: "Arkibeki ba't ang saya saya mo? Late ka na nga ng 1 1/2 hours ah?"



Arkibeki: "Wala lang, ngayon ko lang naintindihan ang saying na "The Filipino is worth dying for..."


:)

7.10.2011

Site Visit: Balibago, Pampanga

Arkibeki goes to...



Saver's Mall....

Balibago....

PAMPANGA!


Ngunit, subalit, datapwat...

strictly work ang pinunta ko dito.

May project kasi si Arkibeki dito. And to top it all, kasama pa ang bossing.

'Di tuloy ako maka-sight ng mga otoko....

Well, yun ang akala nila.

Habang naglilibot kami, habang tumitingin tingin ako ng mga drywall, sprinkle at kung anu-ano pa, nag-o-otoko hunting naman ang astral projection ko he he he.

Tumingin ako sa labas...


...aba missing in action ang mga otoko.

Pasok ako sa loob...


..aba wala pa rin. Teka, akyat nga ako...


... ayun, target sighted!

Kaso mga Kuyas and Manongs na ang mga 'to.

Maganit na...

Nagtanong ako sa sarili ko:

"Saan?"

"Saan ako nagkamali?"

"Where?"

"Where do broken hearts go?"

'Di na ako nakatiis, tinanong ko na ang isa sa mga sugpong worker (yes, kung katawan ang pag-uusapan, meron sa kung meron. Pero ang gusto ni Arkibeki, yung may fez naman at katawan. Para masabi ko rin ang sinabi ni Coco: "Yummy! Parang caramel!" choz!

Arkibeki: "Kuya, ba't ang konti ng workers? Sa'n po yung iba?"
Worker: "Ay sir, (sir daw o!), gencon palang po yan, wala pa po yung MEFPS..."

Ahh, that explains it.

Karamihan kasi sa mga bata at may fez and body na mga worker ay sa mga Electrical at Mechanical contractor nagwowork...

So ayun, natapos ang site visit nang walang natatarget acquired, sighted lang.

Pero antayin niyo ang pagbabalik ni Arkibeki...

Humanda kayong mga MEFPS workers he he he.

For a meantime, enjoy muna ako sa Piyaya. Kain mga bekis! :)

6.21.2011

These lips are made for....

Carmina: Anong tawag dito? (sabay turo sa bibig)
Smokey: Labi.
Carmina: Tama! Eh dito? (sabay turo sa itaas na parte)
Smokey: Labi rin di ba?
Carmina: Mali, ano nga 'to?
Smokey: Sirit...
Carmina: Eh di Balcony ha ha ha

Sensya na mga beki ha, wala akong maisip na maayos na intro for this post he he he. This joke was from the defunct show Tropang Trumpo.

Di ko alam kung bakit may mga taong hindi nakukuntento sa binigay sa kanila ng Diyos.

Gusto kong pumuti kasi maitim ako....
Gusto kong magpatangos ng ilong dahil pango ako...

Naalala ko tuloy yung dati kong officemate:

Officemate: Arkibeki, di ka ba naaasiwa dyan?
Arkibeki: Saan?
Officemate: Dyaan o (sabay turo sa labi ko)
Arkibeki: Ah, di naman. Masaya na akong  may ganito akong labi he he he at least di ko na kailangan magpa-enhance. Pero kidding aside, masaya ako sa binigay ng Diyos sa akin eh.

Pagkatapos marinig ng Officemate ko yun, nagkatitigan kami, parang alam mo yon, may pag-uusap na naganap ng di kami nagsasalita. nang bigla kaming....

"I'm beautiful in my way, coz God makes no mistakes. I'm on the right track baby, I was born this way..."

Yup, bigla kaming nag sing and dance....



I wish mga beki, sana may ganon akong lakas ng loob, choz!


Which reminds me of a certain Kapamilya actor na matagal nang pinagdududahan na PLU siya. I won't give any clues (trust me you don't need any clues for this one, giveaway na giveaway na 'to)

Nang magkaroon siya ng launching movie, ang itsura niya pa noon ay wala pang bahid (pun intended!) ng retoke sa mukha. Pero kung titignan mo siya ngayon, aakalain mong magkaibang tao ang tinutukoy ko. Pano ba naman bukod sa nagpa-noselift siya (which I might say na ang ganda ng pagkakagawa), nagpatahi pa siya ng labi.

Yup mga beki, nagpatahi siya ng labi dahil di niya gustong makapal ang labi niya. Akalain mo yon?


Well just to say, walang masama kung makapal ang labi mo. I'm proud to say na hindi dapat ikahiya ang pagkakaroon ng makapal na labi. I'm proud to say na I have pouty lips.

Here is the proof:





Echos lang mga beki, kamukha ko naman 'to no.......





...sa labi nga lang :)



6.14.2011

To be Beki or not to be Beki

Hi mga bekis.

Alam nyo naman si ArkiBeki, maraming mga friendships. Mapa-Otoko, bilat o mga kapwa natin bekis. Ngunit, subalit, datapwat meron akong di maintindihan.

Bi

Sa USA, UK o kahit saan sa labas ng Pinas, my understanding is that isa siyang lalaki na may feelings toward a guy or/and girl. Kumbaga ang preference niya pwede sa lalaki o pwede sa babae. Take for example si Duncan James ng boyband na Blue. Yup, umamin na siya, ang pagkakatanda ko may anak at asawa siya, pero inamin niya ring nagkarelasyon siya sa isang guy, his close friend.

Duncan James of Blue. In fairness di ko siya naamoy dati. Ang hinala ko nga si Lee ang may bahid...

Going back to the story, my observation to the definition of Pinoys to the word Bi is that a gay guy wearing  manly clothes. Yup, mga beki din sila na ang get-up pang straight pero mga otoko rin ang bet.

May isa pang scenario na darating to the point na manliligaw sila ng babae just to say na may naging GF sila proving that they are Bi. Alam nyo, naaawa ako sa girl na pumapayag na maging GF ng isang Bi. Si bilat naman, porke gwaping si Bi (aminin natin na karamihan sa mga Bi ay may itsura) sasagutin at magbubulagbulagan (naalala ko tuloy yung "What I did For Love" ni Lea Michele sa Glee).

I'm not against the so called "Bi"s of the Philippines. Pero sana stay true to yourself. I admit straight ako manamit, hindi dahil ayaw kong mapagkamalang beki, kungdi dahil doon ako comfortable, ganon ako pinalaki. Pero tignan nyo naman I call myself Beki, not Bi (at dahil nga dyan maraming nag-aakala na straight ako he he he).

Sa mga kapatid ko namang bekis na ayaw mapagkamalang beki pag naglalakad sa mall, here are few pointers.

HAIR: Common sa mga straight at bekis nowadays to use gel or wax, but their difference is that straight guys don't style their hair with a fancy curly pattern, common ang spike sa kanila. So para di kayo ma-identify, wag nyo nang pangarapin na mag loop-loop sa buhok nyo. Even straight guys color their hair, ang observation ko lang regarding this, they limit the color/highlight to blonde or light orange, bekis tend to use red or even pink ;p

FACE: Yup, straight use products to their faces too. Ang pagkakaiba nga lang sa straight is powder, bekis tend to use ponda.

SHIRT: Even straight shops at F&H, (hell yeah). Nung pumasok nga ako sa F&H, I observe na halo-halo na ang mga tao doon. Ang pagkakaiba nga lang, bekis tend to choose more vibrant colored shirts than the neutral ones. Oh and one thing, napansin ko lang na ang hilig suotin ng mga bekis yung shirt ng Bench na manipis yung tela. V-neck siya na available in wide variety of colors. So after nyong mabasa 'to mga bekis, itapon nyo na agad yang Bench shirt nyo na yan kasi masyado na siyang giveaway. ;p

TROUSERS: Jeans will do. Ang common na suotin ng mga bekis ay yung checkered 3/4 pants na semi-fit. Please please wag nyo nang suotin yan. Trust me halatang halata kayo dyan.

FOOTWEAR: Kung ayaw nyo talagang mahalata, mag-tsinelas kayo. Yup, the safest are slippers/flipflops. Kasi kapag nagsapatos kayo, ang choice nyo lagi kasi ay yung low-cut sneakers ata yun. Tapos di kayo magmemedyas he he he.

Remember, the pointers enumerated above were meant to give bekis na ayaw pang magladlad ng choice kung what get-up ang pwede nilang masuot. Kanya kanya namang choice yan eh.


Naalala ko tuloy yung nakasakay ko sa FX...

Bet ko 'to. Alam niyo naman si ArkiBeki..weakness ang chinitos he he he

Sensya na mga beki ha, di ako kasinggaling ni Ate Melanie pag kumukuha ng stolen shots he he. Kaya kinuhanan ko na lang siya nung umidlip siya. Pa'no ba naman mga bekis, ang cute niya, tapos chinito pa. Ang alam ko taga-University of the East siya because of his ID lace. Yun nga lang nadismaya ako kasi paggising niya...


...isang very flamboyant hair flip ang kanyang ginawa. Nahatsing tuloy ako. Bigla kasi akong nakalanghap ng paminta. CHOS!

6.05.2011

10 Essential Things in Architecture...for students :)

At dahil pasukan na naman ngayong araw na 'to, I decided to make a list ng mga kinailangan ko way back then noong nag-aaral pa ako. Sana may mga arki students na makabasa para may heads up na sila sa pinasok nilang industry.


10. ENERGY DRINK
Say hello to eyebags students, dahil malapit na kayong magkita. Mararanasan nyo na rin ang di matulog ng 3 to 4 days straight. At dahil puyatan ang laban, you will need to stay awake. Cobra works for me. Bahala na kayong pumili ng kung saan kayo hiyang ('wag naman kayong uminom ng iba-iba at baka naman mabangag kayo LOL)



09. DRAWING TABLE

And because you will spend most of your time designing, kailangan nyo ng sturdy drawing table na pwedeng i-tilt. I got mine from National Bookstore for Php2500. But that was back then, ewan ko lang ngayon....



08. DESK LAMP

Actually tandem na rin sila ng number 09. Habang nagdo-drawing kayo, you will need to find the perfect angle for the light. But if you are having a hard time finding it...taaaaddddaaaahhh! Desk Lamp ang solusyon dyan :)



07. COLORING MATERIALS

Best Qualities are:
- Faber Castell for Color Pencils
- Sakura for Water Color
- Mungyo for Pastel
- Kure for Markers
Period.



06. T-SQUARE

You will need this big time! Pag nakakita kayo ng mga students na may dala-dala nito, 2 lang yan: either Engineering or Architecture students sila. Maniwala kayo, gamit na gamit niyo to sa course na 'to. If you need long straight line, T-square is the tool for you.



05. TRIANGLES
A Triangle can provide you a straight line, but most important of all, angles baby! Yup, angles. Merong 2 klase: 30x60 at 45X45 triangles. In order to achieve the perfect angle, kailangan straight surface ang pinagpapatungan ng triangle nyo, to achieve this, you will need the help of number 06.



04. SPECIALTY PAPERS

Tracing, Canson, Stratmore, Bristol, Master Board, etc. Ang isa pang labanan sa course na 'to ay ang pagandahan ng presentation. At para dyan I present to you the Specialty Papers. I'm not saying this just to impress your classmates with an expensive paper. You see, a certain paper = a certain coloring material. In example, Stratmore for Watercolor. Don't worry, mae-encounter nyo rin yan as years go by.



03. TECHPENS

Short for Technical Pens. You will need this para luminaw ang mga drawing nyo. Marami siyang mga needle thickness: 0.1, 0.2, 0.4 so on and so fort. Staedtler is the best for me. Di ko namang sinasabing pangit ang Rotring, siguro mas sanay lang ako sa Staedtler. Pero lately I've been using Felt Tip Pens he he he.



02. PENCILS

Mechanical or yung tipong Mongol. But I prefer the latter. Kasi 'pag wood pencil ang gamit mo, dun mo masusubukan ang skills mo to control your line thickness or line weight. Lalo na pag pinagamit ka na ng F or HB.



And to top them all......



01. MONEY

Yup! In order to buy all the 9 things above, you will need lots and lots of money. After all, Architecture is an expensive course :)


All the brands I mentioned are based on my experience. You are entitled to your own opinions naman, siguro kanya kanya rin yan, kung saan kayo sanay o masasanay :)


P.S.
I did not include a PC in the list. You will need CAD naman mga bandang 3rd year na. Tsaka 'pag may Computer Application subject na kayo :)

5.29.2011

Alucard

I met him 7 years ago. Sa may Quantum, sa SM Manila.

Tandang tanda ko nun noong in-aapproach niya ako. He was wearing his Adamson uniform, I was wearing mine (not Adamson's). Naglalaro kasi kami nun, di ba sabi ko sa inyo mahilig ako sa arcade? He asked about the game. I replied. From there nag-usap na kami. Sabi niya R*** daw name niya. I admit, cute siya pero that time wala pa akong naramdamang "spark".

So every tapos ng klase diretso na ako sa Quantum to play. Andun na rin siya. Sa daming beses naming nagkikita, nagkaroon ako ng bagong friend. Pero may nangyari eh....

Na-develop ako. (bakit ba? di pa uso digicam non...chos!)

Everytime na magkikita kami, napapangiti ako. Chinito kasi siya, yun kasi ang weakness ko sa guys. Those pointed eyes....haaaayyyyyy.

One day isang araw, naglakas loob akong magtapat....thru text. If my memory serves me right, ganito ang flow ng usapan namin:

ArkiBeki: R*** may sasabihin ako sa yo...
Alucard: Ano naman yun?
ArkiBeki: Ano kasi (that time shy pa ako, he will be the first guy na pagtatapatan ko ng feelings ko), may nangyari eh...

Alucard: Anong nagyari?
ArkiBeki: Di ba friend kita?
Alucard: Yup.
ArkiBeki: Now kasi di na kita tinuturing na friend.
Alucard: Ha?! Bakit naman?
ArkiBeki: Kasi na-develop na ako sa yo. Kumbaga gusto na kita....




Walang reply.

ArkiBeki: R***? O, bakit wala ka nang nasabi?
Alucard: Kasi ArkiBeki, I'm thankful na may feelings ka sa akin. Pero kasi I'm straight, sa iba mo na lang ibigay ang love mo, malay mo may makita ka pang better sa akin.
ArkiBeki: Ah Okay...
Alucard: I hope di maapektuhan ang friendship natin ha. I consider you kasi as my friend :)

ArkiBeki: Sure, no hard feelings. I'm glad din na na-express ko yung feelings ko...

You know bekis, one reason why I don't express my feelings sa isang guy is because of REJECTION. Pero wala akong naramdamang bitterness sa pag-decline ni R***.

Now I consider him as one of my bestfriends. Nagkikita kami sa favorite hang-out namin sa isang mall. To play our favorite game of course. Nagulat nga ako at iba ang tawag sa kanya dun. Alucard daw. Tanong ko sa kanya bakit Alucard? Ngumanga siya (ayyyyy! joke!) para ipakita sa akin ang kanyang mga pangil. No exag bekis pero parang pang Vampire Diaries talaga :) Yun pala palayaw niya na yun simula pagkabata.

He is my bestfriend because nahihingan ko siya ng advice, nahihingan niya rin ako. Yes, even those forbidden questions (I won't give any details he he he).

So to celebrate our 7 years of friendship (and counting), I dedicate this post to you Alucard.

Salamat sa pagtyatyaga mo sa akin :)

This was taken yesterday. Medyo nanaba siya :p

5.22.2011

Friendship or Professionalism?

Hirap palang pagsabayin niyang dalawa na 'yan!

Bagong pasok kasi si Arki Beki sa work niya ngayon. And I must admit, siguro, marahil, maybe nakapasok ako dahil na rin sa referral ng classmate ko na nasa company na namin for almost 4 years. In short, imbes na mag-antay ako ng 3 months for a call, na-shorten siya ng 1 month.

Naalala ko pa yung tanong ng panel for my interview....

Panel: "Your friend is _______, at naging magkaklase pa kayo sa (alma mater namin)? Di ka ba natatakot na this work will be school part 2?"

AB: "Hindi ko po naisip yan. Mas maganda na nga po yun, kasi yung awkward phase pag nag-start na po ako (feeling matatanggap?) wala na. Hindi na po magkakahiyaan. Our work will not be affected....."

This time biglang tumugtog yung kanta ni Rhianna na "Take a Bow".

...How 'bout a round of applause?
...Standing ovation?


Joke lang mga beki. Pero nung sinabi ko 'to sa classmate ko, ang tangi niya lang nasabi...

"Bentang benta ah!"

Nagdilang anghel si classmate, enter the dragon si Arki Beki. Now I'm working with her, under her. Officer ako, Manager siya.

Everything is going smoothly, until last week.

I don't know, parang may nagbago. Siguro ako lang ang nakapansin at hindi siya.

Sana this week bumalik na ulit sa dati.

Sana matawag ko na ulit siyang friend, instead of classmate :(


5.13.2011

Ceiling Estimate (Past, Present, Future 2)

Hi mga beki! Sorry if now lang ulit ako nakapa-blog. Medyo busy si Arki Beki sa work (amp... Reflected Ceiling Plan yan, pahirapan daw ba ako?!)

The title of my entry today is called Ceiling Estimate. Mali ang iniisip nyo kung ang pag-eestimate ng ceiling materials ang ibig sabihin nyan. We used the term "ceiling estimate" when we are estimating something without thorough computation (with matching tingin sa kisame). Parang ganitong scenario:

Officemate: "Arki Beki, magkano nga ba ulit yung tiles na ginamit mo doon sa plano?"
Arki Beki: "Ah.... (titingin sa kisame...) mga Php***** yan."

Get the idea?

Well ceiling estimate can be used not only in our industry, but also in our everyday life....

Remember "Future"? Yung isang guy sa last entry ko? Well, we decided to meet again. After all, I did not get his answer to my question.

Three days later after di niya ako siputin, nagkita ulit kami. Sa Wendy's namin napagkasunduang magkita. Saang mall? Well sabihin na lang nating sa mall na nahahati ng isang private road sa bandang Ortigas na may ginagawa ngayong parking expansion he he he (if you're an arki student/architect, alam nyo na yan :))

Future: "Sorry last time ha, dumating ako...talagang humabol ako pero nakaalis ka na ata nun..."


AB: " OK lang." although alam ko ang totoo dahil hanggang closing ako sa meeting place namin, ni dulo ng ilong nya di ko nakita, hmp >:(

Si Future. Amp...cute pa rin si loko kahit matagal na kaming di nagkita.

After makaorder ng side salads at frostees, siyempre konting kamustahan, we ended talking about kung anong sagot niya sa tanong ko....

Future: "Kasi, Arki Beki... That time na sinungitan kita, medyo may family problem lang ako nun kaya ganun ang naging trato ko sa 'yo. Naalala mo? Nung time na tinanong mo ako....?"

AB : "Kaya nga tayo nagkita, kasi para alam ko kung saan ako lulugar, ayos lang naman sa akin kung we stay as friends or magiging higit pa roon ang turingan natin."

Future: "Ok lang sa yo? Kasi wala pa akong naeexperience na...."

This time napansin kong medyo naiilang na siya. kasi ba naman, may umupo na 2 bekis sa kabilang table at panay ang sulyap sa kanya. Gwapo naman kasi si Future, kaya lapitin ng mga beki. I decided to invite him for a videoke, at least doon kwarto kaya makakapag-usap kami ng maayos.

A few steps and tokens later, kumakanta na kami. Buti na lang walang waiting sa labas kaya pwede kaming mag-usap in between songs (minsan may mga songs kaming di nakakanta just to talk).

AB: "You were saying kanina?"

Future: " Yun nga Arki Beki, ayoko kasing masira yung pagkakaibigan natin..."

AB: "Alam mo namang beki ako di ba? Pero hindi halata sa una di ba..."

Future: "Kaya nga ako kumportableng sumama sa yo kasi parang magbarkada lang tayo." putol nya.

AB: "Baka naman iniisip mo na yan lang ang habol ko sa yo? (sabay turo kay junior nya).

Future: "Alam ko namang matino ka. Ibang-iba ka roon sa mga nakwento ko sa yo na nagpaparamdam din sa akin na nilalandi ako."

AB: "O baka naman nagwo-worry ka na  may makakita sa yo na kakilala mo na may ka-on kang beki? Ok lang sa akin na ganito tayo sa labas, tropa tropa, parang magbarkada lang. Pero once na we are in private, syempre doon ko papakita yung affection ko sa yo."

Future: "Di mo kasi naiintindihan Arki Beki eh, kilala mo si J____? (ex-gf niya na pinakita niya sa akin ang pic thru his phone). Di ba nagbreak kami? Alam mo bang kaya ako nakipaghiwalay dahil mas gusto kong kasama ka? Ibig sabihin yung relasyon natin o kung anuman ang tawag dito, mas mataas pa ang level kaysa yung sa amin. Mas pinili kita. Aaminin ko mas masaya ako pag kasama kita"

Yup, those were his exact words. Walang labis, walang kulang. Walang dagdag, walang bawas. Walang halong palabok. Maski man ako nagulat. I was stunned....


AB: "Alam ko na. You are confused. Future, di ibig sabihin na pag naging tayo eh magiging beki ka na rin. Straight ka, lalaki. Di magbabago yun."

This time tahimik siya....

AB: "Ganito na lang, I'll give you time to think about what we said in this conversation. Days, weeks, or even months maghihintay ako. Ang importante may closure para alam ko kung saan ako lulugar."

Wala pa rin siyang kibo. Kahit after naming mag-arcade wala pa rin siyang kibo. Umimik na lang siya nang magbaba-bye na siya.

Habang nakaupo ako sa bus pauwi, napatingin ako sa kisame at napaisip. May isang taong agrabyado ngayong araw na to. Hindi si Future, di rin ako....

Si Present.

Unfair para sa kanya ang nangyayari. That same night, in that same bus, under that same ceiling, I made a decision....


I will stay with Present. I must forget about Future.

I love Present, he loves me back. That simple.


Fast forward: kahapon....

Habang nagsasite visit kami... nakatanggap ako ng text. Galing kay Future:

im not d REAL THING
lyk COKE
nor SPRITE HU CAN 
OBEY UR THIRST
im not ur PEPSI dat U
CUD ask 4 MORE
but i cn b ur SAN MIGUEL BEER,
khit KAILAN KAIBIGAN


My reaction? I don't care. I have someone who values my love and in return loving me back. Sapat na yun para sa akin. For me, di na ulit ako magsisi-ceiling estimate para lang kay Future.

Akala ko OK na. Few minutes later, I received another text. Akala ko si Future ulit, mali pala ako. Text message galing kay Past:

San ka? Punta ako MOA today kita tayo. Anong oras ba out mo?


Anong ginawa ko after kong mabasa yung txt ni Past? You asked? 

Di ako nag-ceiling estimate....


...wala namang kisame dun sa site eh, nasa excavation palang kami noh? CHOZ!

4.27.2011

Past, Present, Future

Hi mga beki!

Ok lang ba na serious mode muna ako today?

Help naman o! I have a problem, just need your honest opinions here.

Confused lang ako. Sino ba? Si Past, Present o Future?

Past
Ex ko. My 1st BF. Beki. Nakilala ko thru a common friend. He is charming and handsome (papayatin niyo lang si Gerard Anderson ng konti). Kaya aaminin ko pumayag akong maging kami. In short, I fell in love for the first time. Pero ang mali ko pumayag akong maging "other beki". Oo, kabit, no.2, ka-love triangle, call it whatever you want. "You and Me Against the World" ang drama ni Arki Beki. Ang ending, 2 buwan lang naman akong umiiyak gabi-gabi sa kuwarto (mas matagal pa ang recovery kesa sa actual time na naging kami - 3 weeks lang...). Oo, I experienced being heartbroken for the first time. Ansakit pala :(

Present
My current. 2nd BF ko. Beki rin. Nagkakilala sa inuman. Typical. Kuwentuhan. Nalaman niyang wala akong ka-on, nalaman kong wala rin siya. Nagkatipuhan. We agreed to give it a chance. Ang good news, magwa-one month na kami sa first week ng May. <3

Future
(Kasi I remember saying to him na "I think my future is clear, it happened when I met you....")
Straight. Matangkad, slim at guwapo. He came in between my Past and Present. Nakilala ko sa isang Amusement Center. I was standing there waiting for my 2nd turn to play MVC2 when he approached me. "Kuya?" (Kuya raw o!) "Paturo naman pano maglaro gamit si Sakura, ang galing kasi ng Sakura mo kanina eh..." Nung una friendship lang, pero sa dalas ng pagkikita namin sa favorite hang-out namin, na-develop ang feelings ni Arki Beki. I confessed. He was stunned, di dahil sa nalaman niyang Beki ako (He knows na beki ako di lang halata sa unang tingin, that's why he agrees to hang-out with me, di raw ako halata, pwede raw akong dalhin kahit saan ano ko bag?) Kung di dahil di niya raw akalain na maiinlove ako sa kanya. Ang sad news, he did not give his answer, he just left me hanging...


The "confusion" triggered this week...


Si Future nag-text kahapon ng 9am:


Future:     Gd.Am Arki Beki, Si Future 2 (akala niya siguro binura ko na number niya), sor f nw lng me nktx. F my xtra tim k sna mya pnta me dun s -- ------ (our favorite hang-out) s my video gmes mga 12-1 pm  nandun, hangang 4pm lng me cgro, gd. Blz

After kong intindihin ang txt niya (ganyan talaga siya magtxt he he he), nagreply ako...


Arki Beki: Kamusta k n? Buti nagparamdam ka. D q sure kung pwede aqng umalis ng bahay ngaun...


Future:      Kya nga tinxt kta db,kw bhla f bz ok lng skin, inin4rm lng dinnmn kta n pu2nta ko dun mya, umiiwas kb akala ko b gs2 m mlaman sgot ko, cge kw bhla, gd. Dy


Arki Beki: Cge antay mo q, punta q...

1:14 pm, I arrived at the place...


Arki Beki: Future, san k n? d2 n me.

No reply.

2:58 pm...

Arki Beki: Future d2 lang me ha, antay kita. San k n?


Future:      Arki Beki,cncia n f mdy mttgalan me ng knti pgdting dyn, mtgl enrolment d2 s iskul, i enrol ung kptid ko,lst fre tx kna 2,cncia n tlg bsta drting ako jn promiz


Arki Beki: Cge antay kita :) 

4:03 pm...


Arki Beki: Future muzta enrollment? d2 lang aq ha? antay kita...

No reply.

6:30 pm...


Arki Beki: Ei Future san k n? Kain lang ako tapos babalik din ako pagtapos, antay mo ko ha pag andun k n...

No reply. After 15 minutes, I returned to the place.

8:58 pm


Arki Beki: Future uwi n q ha, kc aq n lang and2, nagpapatay n cla ng mga ilaw, closing n kc. Cge...

Wala pa ring reply.

In short, di siya dumating. "Siguro walang load o d kaya naempty batt", I thought. Tinulog ko na lang pagdating sa bahay.



Kinabukasan, my phone started to vibrate, someone's calling me. Laking gulat ko...si Past.

Past Caliing...

Reject


Past Calling...

Reject pa rin

Tinext ko si Past


Arki Beki: Past Y?


Past:         Bat ayaw mong sagutin?


Arki Beki: May mga kasama q d2 s bahay, gus2 mo bang ma-eskandalo aq d2?


Past:         Lumayo ka.


Arki Beki: Y b? Importante b?

After that, wala ng reply...


I confess, parang may bumalik dahil sa mga nangyari kahapon at ngayon. Di ko alam kung hope o feelings.

I feel guilty. I feel like I'm a bad person. Alam kong mali ito. Unfair para kay Present. The guilt continues to grow lalo na nang nagtxt kanina si Present...


Present: Bhe, can't wait for May to come. Love U. Muuuaaaahuuugggzzzz! 

4.22.2011

Rampa

Hi mga beki. Dahil Holy Week pahinga muna sa bahay. And because I choose to stay at home rather than to have a vacation, ito ulit si Arki Beki at may entry na naman ako...

This time Arki Beki goes to...


to watch...


Yup, that's what I consider a rampa. After all, I'm not your typical beki di ba?

Well, I admit I'm not that of a die-hard fan of PBA, or basketball to be exact. Hell I don't even play. Basta yung tamang timpla lang (parang Nescafe 3in1 lang no? Sori ha wala akong maisip na magandang metaphor eh).

After all these years (parang song lang ng Journey, choz!), ngayon lang ulit ako nakapanood. Maraming dahilan, studies then and now work. Pero based on my observations, marami pa ring hits and misses ang PBA.

Well pagpasok na pagpasok mo palang, tatambad na kaagad sa yo ang mga Roving Snack Vendors. Yun ang mali namin, dapat pala bibili ka na ng snacks mo sa labas pa lang ng Araneta Coliseum tapos itago mo ng bonggang bongga sa bag mo kundi makukumpiska ni Manong Guard. And the height pag lumabas ka pala ulit ng AC another ticket! So walang choice kundi bumili kina ate at kuya na may Red Cap with matching ilaw ilaw.

Sila ate at kuya habang abalang nagbebenta ng snacks

Ang menu (menu daw o!):
Cheeseburger - Php60
Pizza Slice - Php70
Iced Tea (large) - Php60
Popcorn (tumbler) - Php70

Naku kundi ba naman...gggrrrr!!! Muntik na akong mapa cartwheel sa mga presyo na yan!

Buti na lang may bonus sa panonood ng live game, makikita mo in person ang mga otoko. Bird watching kung bird watching!

Game 1: Air 21 vs. Talk & Txt
Quite frankly, I enjoyed the game. Magaling si Alapag mayabang nga lang. Winner ang Talk & Txt. Pero may isang otokong nakapukaw ng aking atensyon sa game na 'to. Kung sino? Maya-maya na lang....choz!

Game 1: Haaaayyyy! Tagal ng Game 2...choz!

Game 2: Smart Gilas vs. Ginebra Kings
Ito talaga ang pinunta namin. Siyempre Ginebra fans kami. Ako rin pero hindi ganun ka die-hard sabi ko nga earlier. Ang die-hard yung mga kasama kong relatives. Sayang nga lang talo sila that night. Pero siyempre bird watching pa rin si Arki Beki.

Game 2: Sayang talo Ginebra....


Overall, it was a fun experience. It was a good 4-hour seating experience. Yup mga beki, ganun katagal: 4 hours yung dalawang games. Pero may mga mini-games naman na pang-aliw :) But the cherry on top of the icing (tama ba yung saying ko?), may 3 otokos na stand-outs nung gabing yun.



Otoko A) Larry Fonacier of Talk & Text

First time ko lang nakita si Larry pero nung masilayan ko siya...aba aba ang ganda ng skin. At parang fresh na fresh.




Otoko B) Chris Tiu of Smart Gilas

Yup yup si Chris Tiu. Iba kasi ang dating niya as player kesa host. May "umph" factor kumbaga.




Otoko C) Jayjay Helterbrand of Ginebra Kings

Nung una di ko siya gusto kasi mukha siyang sangggano. Pero that night mga bekiiiiiii, may injury siya kaya di siya naka-jersey. Ang hair and body!!!! Mukha tuloy siyang Hangul-saram o Nihonjin!!!


(Sorry mga beki ha, wala akong actual shots nila that night. Masyado na kasing malabo pag naka-zoom in...)


O pili na kayo sa mga choices. Just leave your comments. Siguro naman based sa 3 choices na yan alam niyo na kung ano ang common sa mga otoko na yan, alam nyo na siguro kung ano ang type ni Arki Beki <3