12.22.2011

I'm Not Threatened!

Manager:  "Arkibeki ano nga ba spelling ng threaten?"
Arkibeki:  "Bakit mam may kaaway kayo?"
Manager: "Gaga di kaaway magiging kaaway palang!"

At nagpakawala kami ng manager ko ng isang mala-Kris Aquino na tawa na:
HA HA HA HA HA

Anyways, I just need to get this off my breast este my chest.

Last, I think 2nd week ng November may bagong pasok kaming Officer. Tawagin na lang natin siyang Kulot.

Si Kulot ay beki. No more no less.

Siguro sa iba Bi. Kasi beki siya na di nagdadamit babae (well yan ang gustong definition ng iba for Bi ewan ko ba kung bakit?)

Eto na. In our team, simula nung pumasok si Kulot 3 na kaming lalaki. Yung isa straight talaga, ako na beki tapos si Kulot.

Kulot is a loud beki. Yung tipong nagma-Mariah Carey siyang boses when singing. He even talks about his buddy. Pakita yung pic nila sa cel kay officemate A tapos kay officemate B, ganon....

The chemistry between us is ok. Well nagtagpo ang dalawang beki na mahilig kay Regine Velasquez ba naman eh. Tapos pareho pa naming kilala si Andre Endique (oishi desu) at Lemuel Pelayo (yum). So in short, we get along.

Ewan ko ba sa akin. Naturingan akong beki pero mas gusto ko pa ang company ng straight na guys tapos company ng girls kaysa sa sarili kong katribo. Pero may pros and cons naman:
Gusto ko ang kanta ng mga girls, ayoko ng shopping!
Gusto ko ang games na nilalaro ng boys, ayoko naman when they start telling (green) stories!
Anyway, you get my point...

Ang problema ang mga officemate namin.

They want me to turn into Kulot 2.

Kasi open secret naman sa office ang pagiging beki ko. Sabihin nating I'm on the reserved type of beki (parang si Papa P lang...chos!). Here and there bumabanat ako ng beki jokes, nakikipagbiruan sa girls. Ok lang naman sa akin na tawaging beki, ayoko lang na ibo-broadcast mo pa sa buong office yung pagiging beki ko.

Kaya para sa inyo mga mahal kong officemates, dito ko sasabihin ang di ko masabi sa inyo ng harapan, kelangan ko lang ilabas to. And I will say this in English just to prove I'm dead serious. So here goes...

I am what I am.
I accepted the fact 8 years ago that I'm a beki. I also proved to myself that I can have nice friends who won't judge me because I'm different than anyone else.
This is me. This is real.
This is what I want to wear. Simple Ts and simple pair of jeans. Don't stereotype me just because I'm a beki. This is how I act. Don't tell me: "Arkibeki why don't you talk like Kulot?". I'm a beki but I'm not that flamboyant and loud. 
I won't change myself just to satisfy others!


Haaaa.....

Haaaa.....

Haaaa.....

Whew! Nakahinga rin. Medyo mahaba-haba yun ah. O Zsa Zsa Padilla, tigilan na natin tong kadramahan na to bago pa ako maiyak.

Pero penge muna akong tissue.

Nosebleed kung nosebleed ako sa mga English words na yun ;p

5 comments:

  1. can relate to your plea. keri lang yan teh. dedmatology na lang. merry xmas!

    ReplyDelete
  2. Merry Xmas nox! let's wait and see na lang kung anong mangyayari in the future ;p

    ReplyDelete
  3. .HAHA! :D natawa ako teh :* NICE nice :*

    ReplyDelete
  4. ok naman si Kulot. Pareho kaming beki pero di aq kc talaga ganon umarte at kumilos :(

    ReplyDelete