9.27.2011

Cry Me A River...

Sorry mga bekis ngayon lang ulit ako nakapag-post. Medyo busy si Arkibeki these past few days. Malapit na kasi mag-open yung kino-construct naming project, kaya patayan na naman sa trabaho. Minsan nga muntik muntikan na akong abutan ng 12 minight sa office dahil lang sa Elevations at Sections na 'yan. Pero I make sure na di ako aabutan ng 12AM sa work. Hindi dahil takot ako sa multo, kungdi dahil...(sandali Leila Lopes pahiram muna ha?) Let me give you an advice:

"Nag-umpisa na ang araw ko sa trabaho, ayaw ko namang it will end sa work pa rin"...

TINNNGGG!!!

Choz!

Anyway, by the way high way, dahil sa Stress Drilon na rin ako sa work, something happened yesterday...


.... I cried.

Siguro naman lahat ng employees dito makakarelate sa akin. Yung typical na may sama ka ng loob sa boss mo dahil tinatadtad ka ng load o kay dahil napagalitan ka 'coz di mo na-meet yung deadline.

Well the latter one happened to me yesterday. The only difference ay 5 kaming magkakasama sa isang kuwarto when she yelled: " Ang bagal-bagal mo, tapusin mo yan!" sabay bato ng planong pinaghirapan mong gawin for 4 days. OK lang sana kung kagrupo namin yung kasama namin nang binulyawan niya ako, kaso sa kabilang Dept yun.

Kaya pagbalik sa table/workstation ko, di ko na napigilan ang sarili ko. I cry me a river. Siguro tumagal ng 15 minutes yung pag-emote ko na yun.

Hindi ko bina-blog 'to just to trashtalk my boss. O ihinga yung sama ng loob ko...


...gusto ko lang sabihin na ang pag-iyak ay hindi senyales na mahina ka. Pinapatunayan mo lang sa sarili mo na tao ka na may emosyon at nasasaktan din.


After all, di naman ako bato...este CHB wall na plasterd finish no? ;p

4 comments:

  1. tama yan... iiyak mo lang... then learn from it... ask yourself kung saan ka ba nagkamali... or saan ba nagkamali ang boss mo... alam mo naman malapit nang ma-open ang iko-construct nyo at kaakibat nyan ang super daming pressures...

    :)

    ReplyDelete
  2. Hindi pa nangyayari sa sinigawan ako ng mga boss ko, hmm... ako kasi ang naninigaw, haha! pero sinabihan na ako ng, "kung ganyan ka ng ganyan, magresign ka na." hahaha....

    Hindi talaga mawawala ang mga kamote at kamoteng pangyayari sa mundo, siguro you just have to keep a positive attitude and never lose focus, lastly,

    SMIZE (smile with your eyes.)

    ReplyDelete
  3. Teh habang tumutulo ang luha q may naririnig aqng music: "Maalaala mo kaya? Ang sumpa mo sa akin..." he he, with matching Lip Tootch un teh! Chos lang!
    Pero sabi nga nila learn from ur mistakes, kaya careful careful na aq next time :)

    ReplyDelete