8.31.2011

Back to the Future

August 10, 2011...

Remember Future?

Kung yes? Good! Kung di, pakibalikan na lang mga beki ang mga previous entries ko (Sensya mga bekis ha di pa ako marunong mag-link).

Something happened sa date na I mentioned.

Konting balik tanaw muna mga bekis (flashback mga bekis sa mga sosyal).

Morning yun, di ko lang matandaan kung wat time, Stress Drilon na si Arkibeki kaya medyo magulo ang thoughts. Anyway gokongwei, we decided to meet sa aming paboritong mall.

Future:  "Arkibeki san ka na?"
Arkibeki:  Malapit na, 'kaw?"
Future:  "Dito na, san ka na ba?"
Arkibeki:  "Dito sa likod mo..."

Ang mga sumunod na eksena ay parang hinango sa pelikulang "Love of Siam".....



... Choz! I wish he he he


Napagkasunduan naming manuod ng sine, Captain America to be exact.

Halfway through the film, medyo nakaramdam ng lamig si Arkibeki, init ang solusyon kaya hanap naman ako ng source of heat. Aba akalain mong may 5'10" na source of heat ako na katabi ;p

The next thing leads to another, namalayan ko na lang na magkadikit na ang aming mga braso...

Pakiramdaman....

Dinikit ko ang kamay ko sa braso niya...

...walang resistance.

Hinilig ko ang ulo ko sa may balikat niya (subtle lang naman mga beki)...

...wala pa rin.

Dinantay ang kamay sa may hita niya...

....


....


....that moment niya iniwas ang hita niya. Nag crossed legs siya.

I get it naman eh, ayaw niya pa. So the rest of the movie, inenjoy ko na lang manood.

After 2 hours, nasa food court na kami. Ang pinili ko talagang spot ay yung walang masyadong tao. As you can see, Henry Sy, gusto ko nang matapos ang "Guessing Game" namin ni Future. Once and for all I want to hear a straight answer....

Arkibeki:  "Bakit mo iniwas yung hita mo kanina?"
Future:  "Ha?"
Arkibeki:  "Kanina, sa sinehan..."
Future:  "Ano kasi..."
Arkibeki:  "Bakit, naaasiwa ka ba?"
Future:  "Pinayagan ko nga na idantay mo yung ulo mo sa akin di ba?"
Arkibeki:  "Eh bakit nga?"
Future:  "Eh kasi kuwento ng mga barkada ko, pag yung mga bakla nila pag gusto ng sex, sa hita muna pinapadaan. Para raw kasing may nararamdaman silang kiliti kaya kahit ayaw nila pumapayag na rin sila."
Arkibeki:  "Ah ok ok (actually di ko alam na ganun pala ang perception ng mga lalaki doon, alam niyo namang bago lang ako sa ganitong kalakaran... choz!)"


Pagkatapos ng 4 na Sharksfin niya at 4 na Shrimp Wanton ko, nag-usap na kami ng seryoso...


Arkibeki:  "O ano may sagot ka na roon sa huling tanong ko sa yo? (see previous entries...)"
Future:  ......
Arkibeki:  "Didiretsuhin na kita, BAKLA ako, STRAIGHT ka, siyempre babae ang gusto mo. Pero alam mo naman kung gaano kita kamahal (anlalim!) di ba? Ayaw kong magpaka-ipokrito, gusto ko rin niyan (sabay turo sa junior niya), pero ayaw kitang pilitin kung di mo pa kaya. Tsaka niligawan naman kita hindi lang dahil dyan. Wala namang makakaalam eh, di naman nating kailangan ipagsigawan sa mundo na tayo na. Sa public ok na ako sa ganitong set-up: barkada, tutal dun naman tayo nagsimula di ba. Pero in private syempre dun ko na papakita ang affection ko sa 'yo."

Silence....

Matagal, siguro mga 10 seconds....

Future:  "Ayaw ko rin namang mawala ka sa akin eh, masaya naman ako pag kasama ka..."
Arkibeki:  "So... payag ka nang "maglevel up" yung relasyon natin?"
Future:  "Arkibeki, ayaw ko lang ng biglaang hawak hawak, alam mo na medyo bago lang ako sa ganito. Isa pa ayaw kong mawala ang respeto ko sa yo."
Arkibeki:  "Alam ko naman yon eh, kaya nga di ako agresibo. Tsaka sasabihan muna kita kung ok lang ba yung "contact" na gagawin ko..."
Future:  "Isa pa, wag  set-up. Ang pangit pakinggan."
Arkibeki:  "O sige friendship na lang, para kahit pag-usapan natin sa public ok lang, tutal alam naman nating dalawa kung ano talaga ibig sabihin nun..."
Future:  "Sige sige..."


Di ko lang sure kung 100% na bang payag si Future sa set-up namin, I mean "friendship". Maybe there is a part of him na hesitant pa, siguro may part naman na gusto lang niyang i-try ang pakikipagrelasyon sa isang beki. Siguro curious lang kasi may mga barkada raw siya na may mga karelasyon ding mga bekis. Only time can tell. Basta ang alam ko masaya ako 'pag kasama siya :)


Yeah I promised na walang makakaalam, pero I'm sorry Future ha, ang hirap palang itago lang sa sarili mo ang kasiyahan lalo na pag ang nagdulot nito ay ang taong mahal mo (anlalim ulit!)


Arkibeki:  "Pano kung nakawan kita ng kiss?"
Future:  "Siguro wag muna ngayon ha, di pa kasi ako ready sa ganyan..."
Arkibeki:  "Ok..."
Future:  "Wag muna ngayon ha?"



Sabi ko nga only time can tell  :)

No comments:

Post a Comment