Showing posts with label work. Show all posts
Showing posts with label work. Show all posts

9.30.2012

Signed, Sealed, Delivered I'm Yours!

Yup alam ko na ang sasabihin nyo mga beki, ang tagal kong nawala sa sirkulasyon. Kaya...

Sensya, patawad, my apologies, gomenasai, chesong hamnida....

O ayan cguro sapat na yan for my readers around the world no? ;p

Kidding aside, may project kasi ang inyong yours truly kaya matagal akong nawala. Once again sorry for the hiatus (parang Vampire Diaries lang ang peg).

Anyways, Public works and high-ways, I just like to post something "arki worthy" this time. Specifically para dun sa mga bago palang na nagpapractice ng profession natin... ang pagiging ARKITEKTO (yup! talagang kailangan ipagsigawan)! Mahaba-haba ito kaya pause nyo muna yung kabibili nyo lang na DVD ng Angels' Temptation no? (anyong haseyo Bae Soo Bin)!

Kung mapapansin nyo mga beki, kapag gumawa tayo ng plano ng bahay for example, doon sa 20x30 na tracing, doon sa may title block, katabi ng pangalan natin, may isa pang block na subdivided into five (5) rows.

Mind you mga beki, these data are important sa buhay nating mga arkitekto. Wag kayong tutulad kay arkibeki na ni-neglect asikasuhin ang mga 'to. Kaya without further a do, I give you...

     1. PRC No. - from the very start na nakapasa kayo, makukuha nyo na kagad 'to. This is your most precious ID in my opinion. This serves as a proof na nalagpasan nyo yung limang taon sa College plus 2 years of working experience bago kayo nakapag-review (it's ur choice btw), nakapag-take ng LEA at nakapasa. This is your Golden Ticket to the world of Architecture. Ang alam ko every 3 years ang renewal nito, at gagawin nila na ang expiration ay birthdate mo just so you don't forget ;p

     2. PTR No. - Well, row 2 to 4 ang sakop nitong kanipis na resibo galing sa munisipyo. Row 2 = OR No, Row 3 = date, and Row 4 = place (kung saang munisipyo). PTR stands for Professional Tax Receipt sa mga di pa nakakaalam btw. Just a little advise though, try to get your PTR every start of the year (January) because this will serve your PTR for the whole year. For example, you forgot to file for January, you remember only nung let's say around May, that PTR is only valid hanggang December, you need to get another one the next year, and you pay the whole amount nonetheless.

     3. TIN - dapat lahat ng mga professionals meron nito... nuff said.

Well, tapos na tayo sa naka-reflect sa plano, let's go now for the supporting documents...

     4. IAPOA - Stands for Integrated and Accredited Professional Organization of Architects.... hontaray di ba? Kabisado ko pa ibig sabihin niyan, not only ilang beses lumabas sa Pro Prac ng Board but as an Architect you must know your org. And to tell you frankly, dahil medyo malaki laki na rin ang nasingil sa akin dahil sa ilang taon kong hindi pagbabayad dito. This got me saying WTF? (parang pagkaka-eliminate lang ni Leila sa ANTM c19...) Seriously I was just shocked dahil sa amount you need to pay plus penalty (for the years na di ka nakabayad) I think 30% or something....

     5. Chapter - This will serves as like your Choir in Elementary, your Math Club in HS, and/or your APO in college. Yup, you guess it right, mayroon ding Chapter dues for this. And like the IAPOA, meron din itong penalty sa mga years na hindi ka nakakabayad... sad to say.

Kung na-accomplish mo na lahat ang above mentioned, you will need the last and final item (parang gumagawa lang ng potion ala-Charmed he he he) na makakapagpatunay na Architect ka na. Ang.....



     6. Dry Seal(er) - Sa ating mga Architects, ang naka-impression bale na makikita at makakapa mo are your name, PRC no at yung logo natin: Ionic column...complete with volutes. Iba-iba yan kada (technical) Professionals: sa PME gear ata, sa Master Plumber water waves (not sure). It's your choice kung magpapagawa kayo sa Recto ng pang-seal nyo na makukuha nyo in 5 hours worth Php800 or magpapagawa kayo sa UAP na you will get after 1 1/2 months for a price of Php1200. The only difference is may logo ng UAP ung pang-seal na pinagawa nyo sa kanila.


That concludes it, kung may nakalimutan akong bangitin just leave your comments below. Alam nyo naman si arkibeki, I'm here to help those others Architects in need.

'Till next time mga bekis ;p

4.30.2012

Kapangyarihan

"Kapangyarihan ng araw! Taglay ay liwanag!...."

Ay mali, dyaskeng Super twins yan! Ba't kasi pinapalabas pa yan sa Fox Filipino. It brings back childhood memories. Mga 8yrs old lang ako nung pinalabas yan ;p

Sensya mga beki, ngayon lang ulit ako nakapag-post. Busy si Arki Beki, busy sa boylets, chos! Sa work no!

I heard kasi a term from Kulot na nung narinig ko isang malaking HUH ang naisagot ko.



POWERBEKI



To tell you the truth mga beki, ngayon ko lang narinig ang term na yan. So I decided to ask him what it meant.




Arki Beki: "Counter part ba yan ng Power Rangers? But instead of traditional colors eh Fuchsia, Lavander, Mint, Magenta at Cyan ang mga kulay nila?"




 Kulot: "Gaga! Powerbeki, it means you are a beki above the rest of bekis..."



Malabo pa rin eh sa isip isip ko.


Hanggang pag-uwi yun pa rin ang nasa isip ko...


What are the qualifications of a Power Beki?


Kaya I made na lang a list of all the Power Bekis I suspected (kung isa nga sila dun...)

     1. Yung dalawang endorsers ng Float ng magkalabang Fastfood? Yung isa eh matagal nang natsitsismis na beki while yung isang recent endorser ng kabila eh beki rin daw pero Nokia (user friendly) rin daw sa mga naloloko niyang mga bilat? Powerbeki sila dahil sa fame?

     2. Yung Furniture Designer na naging famous dahil binili ng A-list Hollywood Couple ang kanyang dinesign na bed? Tinatanggi niyang beki siya and he is claiming na may GF siya. At sabi niya pa, and I quote: "You don't need to be gay to succeed in this business...." end of quote. Powerbeki siya because he is prim and proper? Because he is very articulate?

      3. Yung sinasabing Ultimate Hearthrob na kahit natsitsismis na beki eh todo tanggi pa rin kahit na maraming ebidensya na ang lumabas? Ang recent nga eh yung paghagulgol ni (some texts are missing) on National TV. Power Beki ba siya dahil sa naabot niyang estado sa kanyang career? Sa dami ng awards niya?

     4. O yung beki na executive ng isang istasyon? Na malalaman mo na lang na nagetsing niya na ang isang nameless boylet kapag marami na itong shows especially sa primetime? Di ba yung bagong tawid sa istasyon nila na nag-overlap pa ang exposure sa magkasunod na shows sa primetime? Powerbeki ba siya dahil sa mga koneksyon niya?



So what makes a Power Beki?



Hhmmmm...?



I dunno pa rin.

Basta ako masaya na ako sa pagiging Arki Beki ;p

2.12.2012

Awakening

Hi mga beki. Sorry di na 'ko nakakapag-post regularly. Medyo busy lang sa work. Lalo na ang daming projects.

Anyway, it turned out, ok naman pala si Kulot. We discussed things, happening in the Arki World, Professional World. Lalung-lalo na sa Third World ;p

Di ko namalayan na ganun pala ang nagyayari sa world natin... sa mga PLU.

Kulot: "Alam mo yung Planet Romeo?"
Arkibeki: "Eyng?"
Kulot: "Planet Romeo"
Arkibeki: "Ano yun? Kasunod na discovery after Pluto?"
Kulot: "Gaga! Parang Facebook yun ng mga beki!"
Arkibeki: "Ah, parang Downelink? (I knew Downelink thru Fashionpulis.com, FP posted the alleged JA's downelink account).
Kulot: "Mas malala naman dun no, may show kaya na nagaganap dun?'
Arkibeki: "Huh?"

Yup, ganun ka-mangmang si Arkibeki.

Nagugulantang ang Nerbiyos System ko sa nga nalalaman ko. Ganun pala talaga ang happenings in our world.

Kaya everytime na we chat or pag mag-aaya si Kulot for a yosi break, sama ako (I don't smoke for the record). Kasi yun lang ang time na pwede niya akong i-orient for the latest happening in the Upper East Side este Third World aka bekilandia.

Arkibeki: "Kulot tumataba ka..."
Kulot: "Oo nga eh, di ko makontrol si Chanda Romero."
Arkibeki: "Bakit kamag-anak mo ba si Chanda Romero? Siya ba lagi nagpapakain sa yo?"
Kulot: "Gaga, Chanda Romero as in Tyan..."
Arkibeki: "Ay sorry, alam mo namang mahina ako sa ganyan..."

Kulot: "You are so Old-Fashioned, Arkibeki."

God! I think Kulot is right. I do need some re-orientation....

PLU re-orientation that is.

12.28.2011

Heartbreak

12:00 pm....

Lunchbreak...

sa office...


Officemate: "Kakain ka ba Arkibeki?"
Arkibeki: "....."
Officemate: "Arkibeki?"
Arkibeki: "..."
Officemate: "Huuuyyy!!!! Tulala ka na naman!"
Arkibeki: "Huh?!"
Officemate: "Hulaan ko, heartbroken ka na naman no?"
Arkibeki: "Wala na kami ni Future...(with matching pa-fading voice)."
Officemate: "Ang hirap kasi sa yo sobra ka magmahal, di ka nagtitira ng para sa yo!"
Arkibeki: "Anong magagawa ko, (peram Jolens) kapag ako ay nagmahal, masakit man ito di ko ito ikakahiya..."
Officemate: "Gaga! Magtira ka kahit konti!"
Arkibeki: "...."
Officemate: "O! San ka pupunta? Di ka ba kakain?"
Arkibeki: "Di na muna. Maglalakad lakad muna ako, palipas lang ng sama ng loob..."

Palabas ng corridor, andami kong nakasalubong na magla-lunch....

Di ko namalayan bigla na lang nag-dim yung mga ilaw...

At parang may pamilyar na musika akong narinig...






Lakad lang ako ng lakad...

Hanggang makarating ako ng Audio Visual Room namin...

Ilang beses nagpaulit-ulit 'to sa isipan ko...

Ang katanungang 'to sa isipan ko...





"How many times will it take?"

"To get it right...."


;(

12.22.2011

I'm Not Threatened!

Manager:  "Arkibeki ano nga ba spelling ng threaten?"
Arkibeki:  "Bakit mam may kaaway kayo?"
Manager: "Gaga di kaaway magiging kaaway palang!"

At nagpakawala kami ng manager ko ng isang mala-Kris Aquino na tawa na:
HA HA HA HA HA

Anyways, I just need to get this off my breast este my chest.

Last, I think 2nd week ng November may bagong pasok kaming Officer. Tawagin na lang natin siyang Kulot.

Si Kulot ay beki. No more no less.

Siguro sa iba Bi. Kasi beki siya na di nagdadamit babae (well yan ang gustong definition ng iba for Bi ewan ko ba kung bakit?)

Eto na. In our team, simula nung pumasok si Kulot 3 na kaming lalaki. Yung isa straight talaga, ako na beki tapos si Kulot.

Kulot is a loud beki. Yung tipong nagma-Mariah Carey siyang boses when singing. He even talks about his buddy. Pakita yung pic nila sa cel kay officemate A tapos kay officemate B, ganon....

The chemistry between us is ok. Well nagtagpo ang dalawang beki na mahilig kay Regine Velasquez ba naman eh. Tapos pareho pa naming kilala si Andre Endique (oishi desu) at Lemuel Pelayo (yum). So in short, we get along.

Ewan ko ba sa akin. Naturingan akong beki pero mas gusto ko pa ang company ng straight na guys tapos company ng girls kaysa sa sarili kong katribo. Pero may pros and cons naman:
Gusto ko ang kanta ng mga girls, ayoko ng shopping!
Gusto ko ang games na nilalaro ng boys, ayoko naman when they start telling (green) stories!
Anyway, you get my point...

Ang problema ang mga officemate namin.

They want me to turn into Kulot 2.

Kasi open secret naman sa office ang pagiging beki ko. Sabihin nating I'm on the reserved type of beki (parang si Papa P lang...chos!). Here and there bumabanat ako ng beki jokes, nakikipagbiruan sa girls. Ok lang naman sa akin na tawaging beki, ayoko lang na ibo-broadcast mo pa sa buong office yung pagiging beki ko.

Kaya para sa inyo mga mahal kong officemates, dito ko sasabihin ang di ko masabi sa inyo ng harapan, kelangan ko lang ilabas to. And I will say this in English just to prove I'm dead serious. So here goes...

I am what I am.
I accepted the fact 8 years ago that I'm a beki. I also proved to myself that I can have nice friends who won't judge me because I'm different than anyone else.
This is me. This is real.
This is what I want to wear. Simple Ts and simple pair of jeans. Don't stereotype me just because I'm a beki. This is how I act. Don't tell me: "Arkibeki why don't you talk like Kulot?". I'm a beki but I'm not that flamboyant and loud. 
I won't change myself just to satisfy others!


Haaaa.....

Haaaa.....

Haaaa.....

Whew! Nakahinga rin. Medyo mahaba-haba yun ah. O Zsa Zsa Padilla, tigilan na natin tong kadramahan na to bago pa ako maiyak.

Pero penge muna akong tissue.

Nosebleed kung nosebleed ako sa mga English words na yun ;p