6.21.2011

These lips are made for....

Carmina: Anong tawag dito? (sabay turo sa bibig)
Smokey: Labi.
Carmina: Tama! Eh dito? (sabay turo sa itaas na parte)
Smokey: Labi rin di ba?
Carmina: Mali, ano nga 'to?
Smokey: Sirit...
Carmina: Eh di Balcony ha ha ha

Sensya na mga beki ha, wala akong maisip na maayos na intro for this post he he he. This joke was from the defunct show Tropang Trumpo.

Di ko alam kung bakit may mga taong hindi nakukuntento sa binigay sa kanila ng Diyos.

Gusto kong pumuti kasi maitim ako....
Gusto kong magpatangos ng ilong dahil pango ako...

Naalala ko tuloy yung dati kong officemate:

Officemate: Arkibeki, di ka ba naaasiwa dyan?
Arkibeki: Saan?
Officemate: Dyaan o (sabay turo sa labi ko)
Arkibeki: Ah, di naman. Masaya na akong  may ganito akong labi he he he at least di ko na kailangan magpa-enhance. Pero kidding aside, masaya ako sa binigay ng Diyos sa akin eh.

Pagkatapos marinig ng Officemate ko yun, nagkatitigan kami, parang alam mo yon, may pag-uusap na naganap ng di kami nagsasalita. nang bigla kaming....

"I'm beautiful in my way, coz God makes no mistakes. I'm on the right track baby, I was born this way..."

Yup, bigla kaming nag sing and dance....



I wish mga beki, sana may ganon akong lakas ng loob, choz!


Which reminds me of a certain Kapamilya actor na matagal nang pinagdududahan na PLU siya. I won't give any clues (trust me you don't need any clues for this one, giveaway na giveaway na 'to)

Nang magkaroon siya ng launching movie, ang itsura niya pa noon ay wala pang bahid (pun intended!) ng retoke sa mukha. Pero kung titignan mo siya ngayon, aakalain mong magkaibang tao ang tinutukoy ko. Pano ba naman bukod sa nagpa-noselift siya (which I might say na ang ganda ng pagkakagawa), nagpatahi pa siya ng labi.

Yup mga beki, nagpatahi siya ng labi dahil di niya gustong makapal ang labi niya. Akalain mo yon?


Well just to say, walang masama kung makapal ang labi mo. I'm proud to say na hindi dapat ikahiya ang pagkakaroon ng makapal na labi. I'm proud to say na I have pouty lips.

Here is the proof:





Echos lang mga beki, kamukha ko naman 'to no.......





...sa labi nga lang :)



2 comments:

  1. Bet kong magpa-collagen ng labi. Yung tipong mahihiya si Angelena Jowli sa sobrang pout. CHOS!

    ReplyDelete
  2. Ay teh Melanie ur beautiful naman, konting project lang at anggulo magpa-pout din yan ha ha ha. Tsaka mahal collagen noh, ilaan mo na lang sa boylets ang budget mo, tapos share mo sa akin ha ha ha ;p

    ReplyDelete