Tandang tanda ko nun noong in-aapproach niya ako. He was wearing his Adamson uniform, I was wearing mine (not Adamson's). Naglalaro kasi kami nun, di ba sabi ko sa inyo mahilig ako sa arcade? He asked about the game. I replied. From there nag-usap na kami. Sabi niya R*** daw name niya. I admit, cute siya pero that time wala pa akong naramdamang "spark".
So every tapos ng klase diretso na ako sa Quantum to play. Andun na rin siya. Sa daming beses naming nagkikita, nagkaroon ako ng bagong friend. Pero may nangyari eh....
Na-develop ako. (bakit ba? di pa uso digicam non...chos!)
Everytime na magkikita kami, napapangiti ako. Chinito kasi siya, yun kasi ang weakness ko sa guys. Those pointed eyes....haaaayyyyyy.
One day isang araw, naglakas loob akong magtapat....thru text. If my memory serves me right, ganito ang flow ng usapan namin:
ArkiBeki: R*** may sasabihin ako sa yo...
Alucard: Ano naman yun?
ArkiBeki: Ano kasi (that time shy pa ako, he will be the first guy na pagtatapatan ko ng feelings ko), may nangyari eh...
Alucard: Anong nagyari?
ArkiBeki: Di ba friend kita?
Alucard: Yup.
ArkiBeki: Now kasi di na kita tinuturing na friend.
Alucard: Ha?! Bakit naman?
ArkiBeki: Kasi na-develop na ako sa yo. Kumbaga gusto na kita....
Walang reply.
ArkiBeki: R***? O, bakit wala ka nang nasabi?
Alucard: Kasi ArkiBeki, I'm thankful na may feelings ka sa akin. Pero kasi I'm straight, sa iba mo na lang ibigay ang love mo, malay mo may makita ka pang better sa akin.
ArkiBeki: Ah Okay...
Alucard: I hope di maapektuhan ang friendship natin ha. I consider you kasi as my friend :)
ArkiBeki: Sure, no hard feelings. I'm glad din na na-express ko yung feelings ko...
You know bekis, one reason why I don't express my feelings sa isang guy is because of REJECTION. Pero wala akong naramdamang bitterness sa pag-decline ni R***.
Now I consider him as one of my bestfriends. Nagkikita kami sa favorite hang-out namin sa isang mall. To play our favorite game of course. Nagulat nga ako at iba ang tawag sa kanya dun. Alucard daw. Tanong ko sa kanya bakit Alucard? Ngumanga siya (ayyyyy! joke!) para ipakita sa akin ang kanyang mga pangil. No exag bekis pero parang pang Vampire Diaries talaga :) Yun pala palayaw niya na yun simula pagkabata.
He is my bestfriend because nahihingan ko siya ng advice, nahihingan niya rin ako. Yes, even those forbidden questions (I won't give any details he he he).
So to celebrate our 7 years of friendship (and counting), I dedicate this post to you Alucard.
Salamat sa pagtyatyaga mo sa akin :)
This was taken yesterday. Medyo nanaba siya :p
No comments:
Post a Comment