12:00 pm....
Lunchbreak...
sa office...
Officemate: "Kakain ka ba Arkibeki?"
Arkibeki: "....."
Officemate: "Arkibeki?"
Arkibeki: "..."
Officemate: "Huuuyyy!!!! Tulala ka na naman!"
Arkibeki: "Huh?!"
Officemate: "Hulaan ko, heartbroken ka na naman no?"
Arkibeki: "Wala na kami ni Future...(with matching pa-fading voice)."
Officemate: "Ang hirap kasi sa yo sobra ka magmahal, di ka nagtitira ng para sa yo!"
Arkibeki: "Anong magagawa ko, (peram Jolens) kapag ako ay nagmahal, masakit man ito di ko ito ikakahiya..."
Officemate: "Gaga! Magtira ka kahit konti!"
Arkibeki: "...."
Officemate: "O! San ka pupunta? Di ka ba kakain?"
Arkibeki: "Di na muna. Maglalakad lakad muna ako, palipas lang ng sama ng loob..."
Palabas ng corridor, andami kong nakasalubong na magla-lunch....
Di ko namalayan bigla na lang nag-dim yung mga ilaw...
At parang may pamilyar na musika akong narinig...
Lakad lang ako ng lakad...
Hanggang makarating ako ng Audio Visual Room namin...
Ilang beses nagpaulit-ulit 'to sa isipan ko...
Ang katanungang 'to sa isipan ko...
"How many times will it take?"
"To get it right...."
;(
No comments:
Post a Comment