The title of my entry today is called Ceiling Estimate. Mali ang iniisip nyo kung ang pag-eestimate ng ceiling materials ang ibig sabihin nyan. We used the term "ceiling estimate" when we are estimating something without thorough computation (with matching tingin sa kisame). Parang ganitong scenario:
Officemate: "Arki Beki, magkano nga ba ulit yung tiles na ginamit mo doon sa plano?"
Arki Beki: "Ah.... (titingin sa kisame...) mga Php***** yan."
Get the idea?
Well ceiling estimate can be used not only in our industry, but also in our everyday life....
Remember "Future"? Yung isang guy sa last entry ko? Well, we decided to meet again. After all, I did not get his answer to my question.
Three days later after di niya ako siputin, nagkita ulit kami. Sa Wendy's namin napagkasunduang magkita. Saang mall? Well sabihin na lang nating sa mall na nahahati ng isang private road sa bandang Ortigas na may ginagawa ngayong parking expansion he he he (if you're an arki student/architect, alam nyo na yan :))
Future: "Sorry last time ha, dumating ako...talagang humabol ako pero nakaalis ka na ata nun..."
AB: " OK lang." although alam ko ang totoo dahil hanggang closing ako sa meeting place namin, ni dulo ng ilong nya di ko nakita, hmp >:(
Si Future. Amp...cute pa rin si loko kahit matagal na kaming di nagkita.
After makaorder ng side salads at frostees, siyempre konting kamustahan, we ended talking about kung anong sagot niya sa tanong ko....
Future: "Kasi, Arki Beki... That time na sinungitan kita, medyo may family problem lang ako nun kaya ganun ang naging trato ko sa 'yo. Naalala mo? Nung time na tinanong mo ako....?"
AB : "Kaya nga tayo nagkita, kasi para alam ko kung saan ako lulugar, ayos lang naman sa akin kung we stay as friends or magiging higit pa roon ang turingan natin."
Future: "Ok lang sa yo? Kasi wala pa akong naeexperience na...."
This time napansin kong medyo naiilang na siya. kasi ba naman, may umupo na 2 bekis sa kabilang table at panay ang sulyap sa kanya. Gwapo naman kasi si Future, kaya lapitin ng mga beki. I decided to invite him for a videoke, at least doon kwarto kaya makakapag-usap kami ng maayos.
A few steps and tokens later, kumakanta na kami. Buti na lang walang waiting sa labas kaya pwede kaming mag-usap in between songs (minsan may mga songs kaming di nakakanta just to talk).
AB: "You were saying kanina?"
Future: " Yun nga Arki Beki, ayoko kasing masira yung pagkakaibigan natin..."
AB: "Alam mo namang beki ako di ba? Pero hindi halata sa una di ba..."
Future: "Kaya nga ako kumportableng sumama sa yo kasi parang magbarkada lang tayo." putol nya.
AB: "Baka naman iniisip mo na yan lang ang habol ko sa yo? (sabay turo kay junior nya).
Future: "Alam ko namang matino ka. Ibang-iba ka roon sa mga nakwento ko sa yo na nagpaparamdam din sa akin na nilalandi ako."
AB: "O baka naman nagwo-worry ka na may makakita sa yo na kakilala mo na may ka-on kang beki? Ok lang sa akin na ganito tayo sa labas, tropa tropa, parang magbarkada lang. Pero once na we are in private, syempre doon ko papakita yung affection ko sa yo."
Future: "Di mo kasi naiintindihan Arki Beki eh, kilala mo si J____? (ex-gf niya na pinakita niya sa akin ang pic thru his phone). Di ba nagbreak kami? Alam mo bang kaya ako nakipaghiwalay dahil mas gusto kong kasama ka? Ibig sabihin yung relasyon natin o kung anuman ang tawag dito, mas mataas pa ang level kaysa yung sa amin. Mas pinili kita. Aaminin ko mas masaya ako pag kasama kita"
Yup, those were his exact words. Walang labis, walang kulang. Walang dagdag, walang bawas. Walang halong palabok. Maski man ako nagulat. I was stunned....
AB: "Alam ko na. You are confused. Future, di ibig sabihin na pag naging tayo eh magiging beki ka na rin. Straight ka, lalaki. Di magbabago yun."
This time tahimik siya....
AB: "Ganito na lang, I'll give you time to think about what we said in this conversation. Days, weeks, or even months maghihintay ako. Ang importante may closure para alam ko kung saan ako lulugar."
Wala pa rin siyang kibo. Kahit after naming mag-arcade wala pa rin siyang kibo. Umimik na lang siya nang magbaba-bye na siya.
Habang nakaupo ako sa bus pauwi, napatingin ako sa kisame at napaisip. May isang taong agrabyado ngayong araw na to. Hindi si Future, di rin ako....
Si Present.
Unfair para sa kanya ang nangyayari. That same night, in that same bus, under that same ceiling, I made a decision....
I will stay with Present. I must forget about Future.
I love Present, he loves me back. That simple.
Fast forward: kahapon....
Habang nagsasite visit kami... nakatanggap ako ng text. Galing kay Future:
im not d REAL THING
lyk COKE
nor SPRITE HU CAN
OBEY UR THIRST
im not ur PEPSI dat U
CUD ask 4 MORE
but i cn b ur SAN MIGUEL BEER,
khit KAILAN KAIBIGAN
My reaction? I don't care. I have someone who values my love and in return loving me back. Sapat na yun para sa akin. For me, di na ulit ako magsisi-ceiling estimate para lang kay Future.
Akala ko OK na. Few minutes later, I received another text. Akala ko si Future ulit, mali pala ako. Text message galing kay Past:
San ka? Punta ako MOA today kita tayo. Anong oras ba out mo?
Anong ginawa ko after kong mabasa yung txt ni Past? You asked?
Di ako nag-ceiling estimate....
...wala namang kisame dun sa site eh, nasa excavation palang kami noh? CHOZ!
Aaawwww... Future values you too. Kaya lang, mukhang hindi pa siya ready to have a relationship with PLU.
ReplyDeleteIf you feel that present values you, i-value mo din siya.
At si past... panatilihin mo sa nakaraan habang may kasalukuyan ka.
Tnx Ate Melanie. Yup I must value Present. (period) Si Future every now and then txt ng txt, pero di ko na lang pinapansin. I'm happy with Present :)
ReplyDeletemali ka jan. kahit may gulong ka ngayon, dapat lagi kang may spare tire. para pag na-flat, di ka magtutulak pauwi. =)
ReplyDeletesory beki, madalang tlaga ko mag-react. mag-post nga madalang dbz?! hehehe... *_*
Hi BM, si Present pa rin naman hanggang ngayon, si Future I think we will stay as friends na lang, kasi if I burn bridges, nakakapanghinayang yung friendship namin di ba?
ReplyDeleteOo nga BM, dami mo ng utang sa amin. Anlaki ng intervals teh ng post mo he he he ;p