4.30.2012

Kapangyarihan

"Kapangyarihan ng araw! Taglay ay liwanag!...."

Ay mali, dyaskeng Super twins yan! Ba't kasi pinapalabas pa yan sa Fox Filipino. It brings back childhood memories. Mga 8yrs old lang ako nung pinalabas yan ;p

Sensya mga beki, ngayon lang ulit ako nakapag-post. Busy si Arki Beki, busy sa boylets, chos! Sa work no!

I heard kasi a term from Kulot na nung narinig ko isang malaking HUH ang naisagot ko.



POWERBEKI



To tell you the truth mga beki, ngayon ko lang narinig ang term na yan. So I decided to ask him what it meant.




Arki Beki: "Counter part ba yan ng Power Rangers? But instead of traditional colors eh Fuchsia, Lavander, Mint, Magenta at Cyan ang mga kulay nila?"




 Kulot: "Gaga! Powerbeki, it means you are a beki above the rest of bekis..."



Malabo pa rin eh sa isip isip ko.


Hanggang pag-uwi yun pa rin ang nasa isip ko...


What are the qualifications of a Power Beki?


Kaya I made na lang a list of all the Power Bekis I suspected (kung isa nga sila dun...)

     1. Yung dalawang endorsers ng Float ng magkalabang Fastfood? Yung isa eh matagal nang natsitsismis na beki while yung isang recent endorser ng kabila eh beki rin daw pero Nokia (user friendly) rin daw sa mga naloloko niyang mga bilat? Powerbeki sila dahil sa fame?

     2. Yung Furniture Designer na naging famous dahil binili ng A-list Hollywood Couple ang kanyang dinesign na bed? Tinatanggi niyang beki siya and he is claiming na may GF siya. At sabi niya pa, and I quote: "You don't need to be gay to succeed in this business...." end of quote. Powerbeki siya because he is prim and proper? Because he is very articulate?

      3. Yung sinasabing Ultimate Hearthrob na kahit natsitsismis na beki eh todo tanggi pa rin kahit na maraming ebidensya na ang lumabas? Ang recent nga eh yung paghagulgol ni (some texts are missing) on National TV. Power Beki ba siya dahil sa naabot niyang estado sa kanyang career? Sa dami ng awards niya?

     4. O yung beki na executive ng isang istasyon? Na malalaman mo na lang na nagetsing niya na ang isang nameless boylet kapag marami na itong shows especially sa primetime? Di ba yung bagong tawid sa istasyon nila na nag-overlap pa ang exposure sa magkasunod na shows sa primetime? Powerbeki ba siya dahil sa mga koneksyon niya?



So what makes a Power Beki?



Hhmmmm...?



I dunno pa rin.

Basta ako masaya na ako sa pagiging Arki Beki ;p

No comments:

Post a Comment