2.12.2012

Awakening

Hi mga beki. Sorry di na 'ko nakakapag-post regularly. Medyo busy lang sa work. Lalo na ang daming projects.

Anyway, it turned out, ok naman pala si Kulot. We discussed things, happening in the Arki World, Professional World. Lalung-lalo na sa Third World ;p

Di ko namalayan na ganun pala ang nagyayari sa world natin... sa mga PLU.

Kulot: "Alam mo yung Planet Romeo?"
Arkibeki: "Eyng?"
Kulot: "Planet Romeo"
Arkibeki: "Ano yun? Kasunod na discovery after Pluto?"
Kulot: "Gaga! Parang Facebook yun ng mga beki!"
Arkibeki: "Ah, parang Downelink? (I knew Downelink thru Fashionpulis.com, FP posted the alleged JA's downelink account).
Kulot: "Mas malala naman dun no, may show kaya na nagaganap dun?'
Arkibeki: "Huh?"

Yup, ganun ka-mangmang si Arkibeki.

Nagugulantang ang Nerbiyos System ko sa nga nalalaman ko. Ganun pala talaga ang happenings in our world.

Kaya everytime na we chat or pag mag-aaya si Kulot for a yosi break, sama ako (I don't smoke for the record). Kasi yun lang ang time na pwede niya akong i-orient for the latest happening in the Upper East Side este Third World aka bekilandia.

Arkibeki: "Kulot tumataba ka..."
Kulot: "Oo nga eh, di ko makontrol si Chanda Romero."
Arkibeki: "Bakit kamag-anak mo ba si Chanda Romero? Siya ba lagi nagpapakain sa yo?"
Kulot: "Gaga, Chanda Romero as in Tyan..."
Arkibeki: "Ay sorry, alam mo namang mahina ako sa ganyan..."

Kulot: "You are so Old-Fashioned, Arkibeki."

God! I think Kulot is right. I do need some re-orientation....

PLU re-orientation that is.

2 comments:

  1. Di ka naman cguro ganun ka-old fashion, nataon lang na di natin ganun kaalam lahat ng beki terms, kahit ako nashoshock sa mga words nila pag may bago.. or di lang ganun kadami ang beki friends natin kaya late na tayo namulat sa terminologies nila =)

    ReplyDelete
  2. @arnel - di lang naman yun, I mean pati yung happening na hook-ups, seb, yung mga ganung stuff....

    ReplyDelete