5.15.2012

Site Visit: Calamba, Laguna

Arkibeki goes to...

Calamba, Laguna!

What a tiring day mga beki, in fact pag-uwi ko, kada turn ko ng beautiful body ko with abs (with abs daw!), nagtutunugan ang mga buto ko. Ibig sabihin di lang ako tumambay sa site, nagtrabaho talaga ako (take that my boss)!

So I arrived at the site around 0930HR, as usual marami ng mga workers, yung iba patapon, iba sugpo (tapon ulo, pwede na katawan) yung iba pwede, at yung iba soulmates ni Arkibeki (mga singkit ba naman w/ matching hotbods). Dali-dali ko ngang kinuha ang hanky ko para punasan yung laway ko, este pawis pala kasi I feel so hot. Not with them no, with the heat.

At sa dahil nagbagong buhay na si Arkibeki, deadma na lang ako sa kanila. I want to stay single, I don't want to be doubled...chos!

The usual routine, ikot ikot muna, take ng pictures, tsaka ako mag-a-actual measurement. Ewan ko ba, for me ganito ginagawa ko ha, di ko lang alam sa ibang arki. Kasi parang masyado nang maraming laman yung medulla oblongata mo pag pinagsabay sabay ko yung mga nabanggit ko. Imagine, sa kaliwang kamay ko hawak ko yung lapis at papel. Sa kanan naman yung camera. Eh ano panghahawak ko sa metro? Yung e**ts ko? Ayyyyy.... delete delete delete!

So tuloy ang pagkakandirit sa site, nang...

...kung mamalasin ka nga naman, ang unang tatambad sa yo eto:


Septic Tank in the making yan mga beki.

Kaya dali-dali akong lumayo after I snapped this. Ayoko namang mahulog dyan noh! First of all, malalim yan, mga dalawang metro. Pangalawa, nagawa na ni Eugene Domingo yan, di na ako original pag nalaglag ako dyan ;p

In fairness naman sa project ko, may patutunguhan... papuntang kanal! Chos. Joking aside may development naman from the last time na nagpunta ako. May ilaw na, may nagkakabit na ng aircon. Sabagay yung MEFPS lang talaga ang medyo mabigat sa isang project.

So tuloy ang pagkandirit...

...kung mamalasin ka nga NAMAN ulit. Mariang Sinakluban, hindi Sinukuan, Sinakluban ng malas. eto ang tumambad sa akin sa may bandang likod...


Ang nawawalang kakambal ni Septic, si Cistern...

Mas malalim to mga beki, around 3meters deep. Mas malalim kesa kay Septic. Pero mas gugustuhin ko nang mahulog dito. Imagine pag nahulog ka rito at natigok, ang sasabihin sa lamay mo: "Nalunod sya sa tubig ng Cistern Tank..." Kesa naman sa: "Nalunod sya sa mga jebs ng Septic Tank..." Ewwww gross! IKR ;p

Overall, masaya naman, kasi nakikita mong tinatayo yung mga nasa plano mo na ikaw ang gumawa. Syempre di naman maiiwasan ang problema sa isang project. Kung walang problema ang isang project, dun ka mangamba, baka kasi sa bandang huli lahat ang buhos ng problema ;p

Oo nga pala mga beki. Dahil sa Stress Drilon at Haggardo Versoza na si Arkibeki dahil sa lecheng init na yan, I decided to eat a halo-halo for lunch at Chowking!

Sarap na sarap ako sa halo halo ko! Sabi ko: "Mmmmm, wala nang o-oishii desu pa rito!"

I stand corrected...






..at dahil I stand corrected, may ibang tumayo... joke lang mga beki, kayo talaga green minded.

'till next time. Toodles ;p

No comments:

Post a Comment