12.28.2011

Heartbreak

12:00 pm....

Lunchbreak...

sa office...


Officemate: "Kakain ka ba Arkibeki?"
Arkibeki: "....."
Officemate: "Arkibeki?"
Arkibeki: "..."
Officemate: "Huuuyyy!!!! Tulala ka na naman!"
Arkibeki: "Huh?!"
Officemate: "Hulaan ko, heartbroken ka na naman no?"
Arkibeki: "Wala na kami ni Future...(with matching pa-fading voice)."
Officemate: "Ang hirap kasi sa yo sobra ka magmahal, di ka nagtitira ng para sa yo!"
Arkibeki: "Anong magagawa ko, (peram Jolens) kapag ako ay nagmahal, masakit man ito di ko ito ikakahiya..."
Officemate: "Gaga! Magtira ka kahit konti!"
Arkibeki: "...."
Officemate: "O! San ka pupunta? Di ka ba kakain?"
Arkibeki: "Di na muna. Maglalakad lakad muna ako, palipas lang ng sama ng loob..."

Palabas ng corridor, andami kong nakasalubong na magla-lunch....

Di ko namalayan bigla na lang nag-dim yung mga ilaw...

At parang may pamilyar na musika akong narinig...






Lakad lang ako ng lakad...

Hanggang makarating ako ng Audio Visual Room namin...

Ilang beses nagpaulit-ulit 'to sa isipan ko...

Ang katanungang 'to sa isipan ko...





"How many times will it take?"

"To get it right...."


;(

12.22.2011

I'm Not Threatened!

Manager:  "Arkibeki ano nga ba spelling ng threaten?"
Arkibeki:  "Bakit mam may kaaway kayo?"
Manager: "Gaga di kaaway magiging kaaway palang!"

At nagpakawala kami ng manager ko ng isang mala-Kris Aquino na tawa na:
HA HA HA HA HA

Anyways, I just need to get this off my breast este my chest.

Last, I think 2nd week ng November may bagong pasok kaming Officer. Tawagin na lang natin siyang Kulot.

Si Kulot ay beki. No more no less.

Siguro sa iba Bi. Kasi beki siya na di nagdadamit babae (well yan ang gustong definition ng iba for Bi ewan ko ba kung bakit?)

Eto na. In our team, simula nung pumasok si Kulot 3 na kaming lalaki. Yung isa straight talaga, ako na beki tapos si Kulot.

Kulot is a loud beki. Yung tipong nagma-Mariah Carey siyang boses when singing. He even talks about his buddy. Pakita yung pic nila sa cel kay officemate A tapos kay officemate B, ganon....

The chemistry between us is ok. Well nagtagpo ang dalawang beki na mahilig kay Regine Velasquez ba naman eh. Tapos pareho pa naming kilala si Andre Endique (oishi desu) at Lemuel Pelayo (yum). So in short, we get along.

Ewan ko ba sa akin. Naturingan akong beki pero mas gusto ko pa ang company ng straight na guys tapos company ng girls kaysa sa sarili kong katribo. Pero may pros and cons naman:
Gusto ko ang kanta ng mga girls, ayoko ng shopping!
Gusto ko ang games na nilalaro ng boys, ayoko naman when they start telling (green) stories!
Anyway, you get my point...

Ang problema ang mga officemate namin.

They want me to turn into Kulot 2.

Kasi open secret naman sa office ang pagiging beki ko. Sabihin nating I'm on the reserved type of beki (parang si Papa P lang...chos!). Here and there bumabanat ako ng beki jokes, nakikipagbiruan sa girls. Ok lang naman sa akin na tawaging beki, ayoko lang na ibo-broadcast mo pa sa buong office yung pagiging beki ko.

Kaya para sa inyo mga mahal kong officemates, dito ko sasabihin ang di ko masabi sa inyo ng harapan, kelangan ko lang ilabas to. And I will say this in English just to prove I'm dead serious. So here goes...

I am what I am.
I accepted the fact 8 years ago that I'm a beki. I also proved to myself that I can have nice friends who won't judge me because I'm different than anyone else.
This is me. This is real.
This is what I want to wear. Simple Ts and simple pair of jeans. Don't stereotype me just because I'm a beki. This is how I act. Don't tell me: "Arkibeki why don't you talk like Kulot?". I'm a beki but I'm not that flamboyant and loud. 
I won't change myself just to satisfy others!


Haaaa.....

Haaaa.....

Haaaa.....

Whew! Nakahinga rin. Medyo mahaba-haba yun ah. O Zsa Zsa Padilla, tigilan na natin tong kadramahan na to bago pa ako maiyak.

Pero penge muna akong tissue.

Nosebleed kung nosebleed ako sa mga English words na yun ;p

12.18.2011

Grocery Galore!

Hi mga beki!

6 days to go na lang to Christmas! Kaya dagsa ang mga ham, grocery basket at kung anik anik pa ng mga contractors sa office. Kakaumay na nga (chos!!).

Pero kung wala kayong mga contractors to provide you these freebies. Wala kayong choice kundi mag-grocery at your expense. Pero don't worry, Arkibeki is here to guide you in your shopping (shopping daw o!)

Especially kung sa Paranaque area kayo. Simulan natin from Sucat...

SHOPWISE (near BF)

PUREGOLD (near Valley 1)


SUPER 8 (formerly Uniwide - across Puregold)

SM HYPERMARKET (operational last Dec 15)

WALTER MART (Valley 2 - operational last Dec 2)

PUREGOLD JR (near Evacom)


SM HYPERMARKET (inside SM City Sucat)


PUREGOLD (Multinational)


and the latest chismax:

1. SM Supermarket will open in BF (yung dating Mcdo sa may kanto) probably next year(?)
2. Super 8 is..how should I say it? naghihingalo na...pinatay ni Puregold he he he...

Kaya mga beki, try to visit one of these store. Siguro may iba na ang pupuntahan yung mura, yung iba naman malapit sa kanila. It's your choice, iwasan nyo lang ang last minute shopping dahil ang dami ng tao ang di nyo maiiwasan pag ganon ;p

12.01.2011

Choices

Yup, straight (no pun intended) to the point. This post is about the Piolo-KC break-up.

To quote Ciara Sotto regarding the issue: "di na ko nagulat..."

Lumabas na ang Tell-All (kuno) Interview ni KC sa The Buzz. Airing her side of the story. Na diumano ang nasabing interview ay edited na at di pinakita yung portion na lumabas ang pangalan ni Mark Bautista sa bibig mismo ni Boy Abunda.

Pero I will focus on the comments na nababasa ko about the interview.

First, read between the lines daw sa mga statement ni KC. Malalaman na raw talaga na beki ang kanyang ex.

Next, ang diumano nangyari raw na pushed KC to the limit was nang mahuli niya sina Piolo at Mark na lumabas sa shower na magkasama.

Ngunit subalit datapwat sa comment na don't condemn Piolo if he is indeed gay, wala raw masama na beki siya ako nainis.

Here are my POVs:

1. Unang-una , walang masama kung beki ka, walang masama hangga't wala kang naaapakang tao sa pagiging beki mo.

2. What Piolo do at home is what Piolo do at home. Wala tayong pakialam sa ginagawa niya kasi it is his life. Kung CHOICE niyang wag mag-out and so be it. IT IS HIS CHOICE.

3. Ang di lang magandang tignan ay yung gumagamit pa siya ng "front" just to cover his "behind the scenes" activities. Pinangangalandakan niya pang may anak siya. Di niya ba naisip na kawawa yung girl na liligawan niya kuno at gagawing GF, at laong kawawa yung pamangkin... este anak niya daw. Yan ang kinakagalit ng bekilandia. NOT GOOD.... which brings us back to number 1.

Naalala ko tuloy yung press con ng ice cream na inendorse nilang mag-ina. I think Selecta ata yun...

Reporter: "Ma'm sa success na tinatamasa ng anak niyo ngayon, may mahihiling pa ba kayo para sa kanya?"
Piolo's mom: "Wala na siguro...pero ang gusto ko magkaapo na nga ako diyan...."
Reporter: "Eh di ba po may anak na siya, si Inigo po."
Piolo's mom: "....Ay! oo nga pala...."

Ang latest na narinig ko ang press release ng think tanks ng ABS ay si Maricar Reyes daw ang 3rd party. Ano yun tibamba si KC? Dyosme tigilan ako! And your guess is as good as mine... leading lady pa ni Piolo si Maricar sa new teleserye nila.

Pero ang narinig ko nababahala na raw ang Crisis Control Management ng Star Magic how to "cover" the issue....

So there....