5.29.2011

Alucard

I met him 7 years ago. Sa may Quantum, sa SM Manila.

Tandang tanda ko nun noong in-aapproach niya ako. He was wearing his Adamson uniform, I was wearing mine (not Adamson's). Naglalaro kasi kami nun, di ba sabi ko sa inyo mahilig ako sa arcade? He asked about the game. I replied. From there nag-usap na kami. Sabi niya R*** daw name niya. I admit, cute siya pero that time wala pa akong naramdamang "spark".

So every tapos ng klase diretso na ako sa Quantum to play. Andun na rin siya. Sa daming beses naming nagkikita, nagkaroon ako ng bagong friend. Pero may nangyari eh....

Na-develop ako. (bakit ba? di pa uso digicam non...chos!)

Everytime na magkikita kami, napapangiti ako. Chinito kasi siya, yun kasi ang weakness ko sa guys. Those pointed eyes....haaaayyyyyy.

One day isang araw, naglakas loob akong magtapat....thru text. If my memory serves me right, ganito ang flow ng usapan namin:

ArkiBeki: R*** may sasabihin ako sa yo...
Alucard: Ano naman yun?
ArkiBeki: Ano kasi (that time shy pa ako, he will be the first guy na pagtatapatan ko ng feelings ko), may nangyari eh...

Alucard: Anong nagyari?
ArkiBeki: Di ba friend kita?
Alucard: Yup.
ArkiBeki: Now kasi di na kita tinuturing na friend.
Alucard: Ha?! Bakit naman?
ArkiBeki: Kasi na-develop na ako sa yo. Kumbaga gusto na kita....




Walang reply.

ArkiBeki: R***? O, bakit wala ka nang nasabi?
Alucard: Kasi ArkiBeki, I'm thankful na may feelings ka sa akin. Pero kasi I'm straight, sa iba mo na lang ibigay ang love mo, malay mo may makita ka pang better sa akin.
ArkiBeki: Ah Okay...
Alucard: I hope di maapektuhan ang friendship natin ha. I consider you kasi as my friend :)

ArkiBeki: Sure, no hard feelings. I'm glad din na na-express ko yung feelings ko...

You know bekis, one reason why I don't express my feelings sa isang guy is because of REJECTION. Pero wala akong naramdamang bitterness sa pag-decline ni R***.

Now I consider him as one of my bestfriends. Nagkikita kami sa favorite hang-out namin sa isang mall. To play our favorite game of course. Nagulat nga ako at iba ang tawag sa kanya dun. Alucard daw. Tanong ko sa kanya bakit Alucard? Ngumanga siya (ayyyyy! joke!) para ipakita sa akin ang kanyang mga pangil. No exag bekis pero parang pang Vampire Diaries talaga :) Yun pala palayaw niya na yun simula pagkabata.

He is my bestfriend because nahihingan ko siya ng advice, nahihingan niya rin ako. Yes, even those forbidden questions (I won't give any details he he he).

So to celebrate our 7 years of friendship (and counting), I dedicate this post to you Alucard.

Salamat sa pagtyatyaga mo sa akin :)

This was taken yesterday. Medyo nanaba siya :p

5.22.2011

Friendship or Professionalism?

Hirap palang pagsabayin niyang dalawa na 'yan!

Bagong pasok kasi si Arki Beki sa work niya ngayon. And I must admit, siguro, marahil, maybe nakapasok ako dahil na rin sa referral ng classmate ko na nasa company na namin for almost 4 years. In short, imbes na mag-antay ako ng 3 months for a call, na-shorten siya ng 1 month.

Naalala ko pa yung tanong ng panel for my interview....

Panel: "Your friend is _______, at naging magkaklase pa kayo sa (alma mater namin)? Di ka ba natatakot na this work will be school part 2?"

AB: "Hindi ko po naisip yan. Mas maganda na nga po yun, kasi yung awkward phase pag nag-start na po ako (feeling matatanggap?) wala na. Hindi na po magkakahiyaan. Our work will not be affected....."

This time biglang tumugtog yung kanta ni Rhianna na "Take a Bow".

...How 'bout a round of applause?
...Standing ovation?


Joke lang mga beki. Pero nung sinabi ko 'to sa classmate ko, ang tangi niya lang nasabi...

"Bentang benta ah!"

Nagdilang anghel si classmate, enter the dragon si Arki Beki. Now I'm working with her, under her. Officer ako, Manager siya.

Everything is going smoothly, until last week.

I don't know, parang may nagbago. Siguro ako lang ang nakapansin at hindi siya.

Sana this week bumalik na ulit sa dati.

Sana matawag ko na ulit siyang friend, instead of classmate :(


5.13.2011

Ceiling Estimate (Past, Present, Future 2)

Hi mga beki! Sorry if now lang ulit ako nakapa-blog. Medyo busy si Arki Beki sa work (amp... Reflected Ceiling Plan yan, pahirapan daw ba ako?!)

The title of my entry today is called Ceiling Estimate. Mali ang iniisip nyo kung ang pag-eestimate ng ceiling materials ang ibig sabihin nyan. We used the term "ceiling estimate" when we are estimating something without thorough computation (with matching tingin sa kisame). Parang ganitong scenario:

Officemate: "Arki Beki, magkano nga ba ulit yung tiles na ginamit mo doon sa plano?"
Arki Beki: "Ah.... (titingin sa kisame...) mga Php***** yan."

Get the idea?

Well ceiling estimate can be used not only in our industry, but also in our everyday life....

Remember "Future"? Yung isang guy sa last entry ko? Well, we decided to meet again. After all, I did not get his answer to my question.

Three days later after di niya ako siputin, nagkita ulit kami. Sa Wendy's namin napagkasunduang magkita. Saang mall? Well sabihin na lang nating sa mall na nahahati ng isang private road sa bandang Ortigas na may ginagawa ngayong parking expansion he he he (if you're an arki student/architect, alam nyo na yan :))

Future: "Sorry last time ha, dumating ako...talagang humabol ako pero nakaalis ka na ata nun..."


AB: " OK lang." although alam ko ang totoo dahil hanggang closing ako sa meeting place namin, ni dulo ng ilong nya di ko nakita, hmp >:(

Si Future. Amp...cute pa rin si loko kahit matagal na kaming di nagkita.

After makaorder ng side salads at frostees, siyempre konting kamustahan, we ended talking about kung anong sagot niya sa tanong ko....

Future: "Kasi, Arki Beki... That time na sinungitan kita, medyo may family problem lang ako nun kaya ganun ang naging trato ko sa 'yo. Naalala mo? Nung time na tinanong mo ako....?"

AB : "Kaya nga tayo nagkita, kasi para alam ko kung saan ako lulugar, ayos lang naman sa akin kung we stay as friends or magiging higit pa roon ang turingan natin."

Future: "Ok lang sa yo? Kasi wala pa akong naeexperience na...."

This time napansin kong medyo naiilang na siya. kasi ba naman, may umupo na 2 bekis sa kabilang table at panay ang sulyap sa kanya. Gwapo naman kasi si Future, kaya lapitin ng mga beki. I decided to invite him for a videoke, at least doon kwarto kaya makakapag-usap kami ng maayos.

A few steps and tokens later, kumakanta na kami. Buti na lang walang waiting sa labas kaya pwede kaming mag-usap in between songs (minsan may mga songs kaming di nakakanta just to talk).

AB: "You were saying kanina?"

Future: " Yun nga Arki Beki, ayoko kasing masira yung pagkakaibigan natin..."

AB: "Alam mo namang beki ako di ba? Pero hindi halata sa una di ba..."

Future: "Kaya nga ako kumportableng sumama sa yo kasi parang magbarkada lang tayo." putol nya.

AB: "Baka naman iniisip mo na yan lang ang habol ko sa yo? (sabay turo kay junior nya).

Future: "Alam ko namang matino ka. Ibang-iba ka roon sa mga nakwento ko sa yo na nagpaparamdam din sa akin na nilalandi ako."

AB: "O baka naman nagwo-worry ka na  may makakita sa yo na kakilala mo na may ka-on kang beki? Ok lang sa akin na ganito tayo sa labas, tropa tropa, parang magbarkada lang. Pero once na we are in private, syempre doon ko papakita yung affection ko sa yo."

Future: "Di mo kasi naiintindihan Arki Beki eh, kilala mo si J____? (ex-gf niya na pinakita niya sa akin ang pic thru his phone). Di ba nagbreak kami? Alam mo bang kaya ako nakipaghiwalay dahil mas gusto kong kasama ka? Ibig sabihin yung relasyon natin o kung anuman ang tawag dito, mas mataas pa ang level kaysa yung sa amin. Mas pinili kita. Aaminin ko mas masaya ako pag kasama kita"

Yup, those were his exact words. Walang labis, walang kulang. Walang dagdag, walang bawas. Walang halong palabok. Maski man ako nagulat. I was stunned....


AB: "Alam ko na. You are confused. Future, di ibig sabihin na pag naging tayo eh magiging beki ka na rin. Straight ka, lalaki. Di magbabago yun."

This time tahimik siya....

AB: "Ganito na lang, I'll give you time to think about what we said in this conversation. Days, weeks, or even months maghihintay ako. Ang importante may closure para alam ko kung saan ako lulugar."

Wala pa rin siyang kibo. Kahit after naming mag-arcade wala pa rin siyang kibo. Umimik na lang siya nang magbaba-bye na siya.

Habang nakaupo ako sa bus pauwi, napatingin ako sa kisame at napaisip. May isang taong agrabyado ngayong araw na to. Hindi si Future, di rin ako....

Si Present.

Unfair para sa kanya ang nangyayari. That same night, in that same bus, under that same ceiling, I made a decision....


I will stay with Present. I must forget about Future.

I love Present, he loves me back. That simple.


Fast forward: kahapon....

Habang nagsasite visit kami... nakatanggap ako ng text. Galing kay Future:

im not d REAL THING
lyk COKE
nor SPRITE HU CAN 
OBEY UR THIRST
im not ur PEPSI dat U
CUD ask 4 MORE
but i cn b ur SAN MIGUEL BEER,
khit KAILAN KAIBIGAN


My reaction? I don't care. I have someone who values my love and in return loving me back. Sapat na yun para sa akin. For me, di na ulit ako magsisi-ceiling estimate para lang kay Future.

Akala ko OK na. Few minutes later, I received another text. Akala ko si Future ulit, mali pala ako. Text message galing kay Past:

San ka? Punta ako MOA today kita tayo. Anong oras ba out mo?


Anong ginawa ko after kong mabasa yung txt ni Past? You asked? 

Di ako nag-ceiling estimate....


...wala namang kisame dun sa site eh, nasa excavation palang kami noh? CHOZ!