8.31.2011

Back to the Future

August 10, 2011...

Remember Future?

Kung yes? Good! Kung di, pakibalikan na lang mga beki ang mga previous entries ko (Sensya mga bekis ha di pa ako marunong mag-link).

Something happened sa date na I mentioned.

Konting balik tanaw muna mga bekis (flashback mga bekis sa mga sosyal).

Morning yun, di ko lang matandaan kung wat time, Stress Drilon na si Arkibeki kaya medyo magulo ang thoughts. Anyway gokongwei, we decided to meet sa aming paboritong mall.

Future:  "Arkibeki san ka na?"
Arkibeki:  Malapit na, 'kaw?"
Future:  "Dito na, san ka na ba?"
Arkibeki:  "Dito sa likod mo..."

Ang mga sumunod na eksena ay parang hinango sa pelikulang "Love of Siam".....



... Choz! I wish he he he


Napagkasunduan naming manuod ng sine, Captain America to be exact.

Halfway through the film, medyo nakaramdam ng lamig si Arkibeki, init ang solusyon kaya hanap naman ako ng source of heat. Aba akalain mong may 5'10" na source of heat ako na katabi ;p

The next thing leads to another, namalayan ko na lang na magkadikit na ang aming mga braso...

Pakiramdaman....

Dinikit ko ang kamay ko sa braso niya...

...walang resistance.

Hinilig ko ang ulo ko sa may balikat niya (subtle lang naman mga beki)...

...wala pa rin.

Dinantay ang kamay sa may hita niya...

....


....


....that moment niya iniwas ang hita niya. Nag crossed legs siya.

I get it naman eh, ayaw niya pa. So the rest of the movie, inenjoy ko na lang manood.

After 2 hours, nasa food court na kami. Ang pinili ko talagang spot ay yung walang masyadong tao. As you can see, Henry Sy, gusto ko nang matapos ang "Guessing Game" namin ni Future. Once and for all I want to hear a straight answer....

Arkibeki:  "Bakit mo iniwas yung hita mo kanina?"
Future:  "Ha?"
Arkibeki:  "Kanina, sa sinehan..."
Future:  "Ano kasi..."
Arkibeki:  "Bakit, naaasiwa ka ba?"
Future:  "Pinayagan ko nga na idantay mo yung ulo mo sa akin di ba?"
Arkibeki:  "Eh bakit nga?"
Future:  "Eh kasi kuwento ng mga barkada ko, pag yung mga bakla nila pag gusto ng sex, sa hita muna pinapadaan. Para raw kasing may nararamdaman silang kiliti kaya kahit ayaw nila pumapayag na rin sila."
Arkibeki:  "Ah ok ok (actually di ko alam na ganun pala ang perception ng mga lalaki doon, alam niyo namang bago lang ako sa ganitong kalakaran... choz!)"


Pagkatapos ng 4 na Sharksfin niya at 4 na Shrimp Wanton ko, nag-usap na kami ng seryoso...


Arkibeki:  "O ano may sagot ka na roon sa huling tanong ko sa yo? (see previous entries...)"
Future:  ......
Arkibeki:  "Didiretsuhin na kita, BAKLA ako, STRAIGHT ka, siyempre babae ang gusto mo. Pero alam mo naman kung gaano kita kamahal (anlalim!) di ba? Ayaw kong magpaka-ipokrito, gusto ko rin niyan (sabay turo sa junior niya), pero ayaw kitang pilitin kung di mo pa kaya. Tsaka niligawan naman kita hindi lang dahil dyan. Wala namang makakaalam eh, di naman nating kailangan ipagsigawan sa mundo na tayo na. Sa public ok na ako sa ganitong set-up: barkada, tutal dun naman tayo nagsimula di ba. Pero in private syempre dun ko na papakita ang affection ko sa 'yo."

Silence....

Matagal, siguro mga 10 seconds....

Future:  "Ayaw ko rin namang mawala ka sa akin eh, masaya naman ako pag kasama ka..."
Arkibeki:  "So... payag ka nang "maglevel up" yung relasyon natin?"
Future:  "Arkibeki, ayaw ko lang ng biglaang hawak hawak, alam mo na medyo bago lang ako sa ganito. Isa pa ayaw kong mawala ang respeto ko sa yo."
Arkibeki:  "Alam ko naman yon eh, kaya nga di ako agresibo. Tsaka sasabihan muna kita kung ok lang ba yung "contact" na gagawin ko..."
Future:  "Isa pa, wag  set-up. Ang pangit pakinggan."
Arkibeki:  "O sige friendship na lang, para kahit pag-usapan natin sa public ok lang, tutal alam naman nating dalawa kung ano talaga ibig sabihin nun..."
Future:  "Sige sige..."


Di ko lang sure kung 100% na bang payag si Future sa set-up namin, I mean "friendship". Maybe there is a part of him na hesitant pa, siguro may part naman na gusto lang niyang i-try ang pakikipagrelasyon sa isang beki. Siguro curious lang kasi may mga barkada raw siya na may mga karelasyon ding mga bekis. Only time can tell. Basta ang alam ko masaya ako 'pag kasama siya :)


Yeah I promised na walang makakaalam, pero I'm sorry Future ha, ang hirap palang itago lang sa sarili mo ang kasiyahan lalo na pag ang nagdulot nito ay ang taong mahal mo (anlalim ulit!)


Arkibeki:  "Pano kung nakawan kita ng kiss?"
Future:  "Siguro wag muna ngayon ha, di pa kasi ako ready sa ganyan..."
Arkibeki:  "Ok..."
Future:  "Wag muna ngayon ha?"



Sabi ko nga only time can tell  :)

8.11.2011

Say NO to SB 2770

Excerpt from www.architectureboard.ph, dated 08/11



Architects to Rally in the Crafting of the CE Law (via SB 2770)

Attention all registered and licensed architects (RLAs).

Last March 31, 2011, the Civil Engineers (CEs) through the office of Senator Panfilo Lacson, caused the re-filing in the senate (15th Congress) of a 2004 House Bill that was already decidedly defeated by the Architects and Archived in early 2005 by the House of Representatives (13th Congress).

As with the 2003 House version, the resuscitated senate measure still seeks to make the CEs the Prime Professional of the Construction Industry, particularly for the Architectural Planning and Design Buildings for human habitation, for which the Ces are clearly unqualified and disqualified under law i.e. the CEs have no academic nor sub-professional preparation for Architectural practice and the CE Licensure Examination does NOT test the examinees for knowledge or skillsets required for the Architectural Planning and Design of Buildings in stark contrast, the 450-question (2-day) Licensure Examination for Architects (LEA) is one hundred percent (100%) about the Architectural and Engineering (A&E) Planning and Design of Buildings and their settings/environs.

The current senate measure (Senate Bill 2770) subtly seeks to vest CEs with the Exclusive Professional Privilege of preparing, signing and sealing Architectural Documents i.e. Architectural Plans, Sections, Elevations, Specifications, Estimates, Drawings, Details, Documents, Reports, etc. and will allow the CEs to practice the separate state-regulated profession of Architecture in the Philippines (PH). The Legislative measure is apparently the CE solution to their failure to seek permanent remedies from the courts since they started filing cases in early 2005. The bill was filed at the Senate about a week after the unsuccessful March 2011 meeting between the Boards of Architecture and Civil Engineering at the Professional Regulation Commission (PRC).

Let all Architects rally to once again decisively defeat the provisions in the measure that will allow CEs to practice Architecture in the PH. As this concerns your future, please make it your urgent business stand up and be counted! Please get in touch (visit, write, call, text, email, facebook, twitter, etc.) with the Senator you know best, to help correctly craft a measure that shall finally and decisively separate the professions of Architecture and Civil Engineering in the PH after over 60 years of conflict.

In making representations with their favorite Senators, the RLAs may initially use the position paper crafted by the PRBoA and posted at the latest publications sections of this website.

Mabuhay ang mga 28,000 Arkitektong Pilipino!


8.05.2011

The Art of Letting Go

Now here it comes, the hardest part of all.
Unchain my heart that's holding on
How do I start to live my life alone?
Guess I'm just learning,
Learning the art of letting go...


Yup. It is official...

Wala na kami ni Present.


I don't know what went wrong.

He said: "Wala ka ng time sa akin."
I said: "Alam mo namang Monday to Saturday ang work ko."


He said: "Eh di kita tayo after work mo..."
I said: "Bhe Monday to Saturday work ko, 9am to 6 pm ang sked ko. Pero umaalis ako ng office magtu 12am na sa dami ng trabaho..."

He said: "Eh di tuwing Linggo? Kita tayo?"
I said: "Sige, pero di lagi lagi ha. Makakahalata rito sa bahay. Alis ako ng alis tuwing Sunday..."



Third week of July...

He said: "May pag-iisipan lang ako. Itetxt na lang kita kapag tapos na ako mag-isip..."
I said: "Ha? Ano naman ang pag-iisipan mo?"

No reply.


Two days later...

I said: "Bhe, sabihin mo naman sa akin kung may nagawa akong kasalanan. Ang hirap namang humingi ng sorry kung di mo alam kung para saan ung pinagso-sorry mo..."

No reply.

After two days (again)

I said: "Bhe?"

No reply (again)

Sabi ko eto na ba to?


Eto na naman ba 'to? 'Tong pakiramdam na 'to?


Pakiramdam na naramdaman ko kay Past?


True enough. Isang araw lang naman akong di lumabas ng kwarto. Nag-iiyak.
Pati sa work, nakapag-leave ako ng isang araw.



Kaya ayokong buksan ang puso ko eh. Di ko kasi alam kung ano ang gagawin ko pagdating ng araw na 'yon. Araw na kinakatakutan ko...


All I can say is...


Thank you Present.
Thank you for the three wonderful months na magkasama tayo. Ang saya saya ko during our time. Di ko lang alam kung nakita mo yon...


Thank you Jennylyn.
Thank you for the song.

It helped...

kahit konti :(