6.21.2011

These lips are made for....

Carmina: Anong tawag dito? (sabay turo sa bibig)
Smokey: Labi.
Carmina: Tama! Eh dito? (sabay turo sa itaas na parte)
Smokey: Labi rin di ba?
Carmina: Mali, ano nga 'to?
Smokey: Sirit...
Carmina: Eh di Balcony ha ha ha

Sensya na mga beki ha, wala akong maisip na maayos na intro for this post he he he. This joke was from the defunct show Tropang Trumpo.

Di ko alam kung bakit may mga taong hindi nakukuntento sa binigay sa kanila ng Diyos.

Gusto kong pumuti kasi maitim ako....
Gusto kong magpatangos ng ilong dahil pango ako...

Naalala ko tuloy yung dati kong officemate:

Officemate: Arkibeki, di ka ba naaasiwa dyan?
Arkibeki: Saan?
Officemate: Dyaan o (sabay turo sa labi ko)
Arkibeki: Ah, di naman. Masaya na akong  may ganito akong labi he he he at least di ko na kailangan magpa-enhance. Pero kidding aside, masaya ako sa binigay ng Diyos sa akin eh.

Pagkatapos marinig ng Officemate ko yun, nagkatitigan kami, parang alam mo yon, may pag-uusap na naganap ng di kami nagsasalita. nang bigla kaming....

"I'm beautiful in my way, coz God makes no mistakes. I'm on the right track baby, I was born this way..."

Yup, bigla kaming nag sing and dance....



I wish mga beki, sana may ganon akong lakas ng loob, choz!


Which reminds me of a certain Kapamilya actor na matagal nang pinagdududahan na PLU siya. I won't give any clues (trust me you don't need any clues for this one, giveaway na giveaway na 'to)

Nang magkaroon siya ng launching movie, ang itsura niya pa noon ay wala pang bahid (pun intended!) ng retoke sa mukha. Pero kung titignan mo siya ngayon, aakalain mong magkaibang tao ang tinutukoy ko. Pano ba naman bukod sa nagpa-noselift siya (which I might say na ang ganda ng pagkakagawa), nagpatahi pa siya ng labi.

Yup mga beki, nagpatahi siya ng labi dahil di niya gustong makapal ang labi niya. Akalain mo yon?


Well just to say, walang masama kung makapal ang labi mo. I'm proud to say na hindi dapat ikahiya ang pagkakaroon ng makapal na labi. I'm proud to say na I have pouty lips.

Here is the proof:





Echos lang mga beki, kamukha ko naman 'to no.......





...sa labi nga lang :)



6.14.2011

To be Beki or not to be Beki

Hi mga bekis.

Alam nyo naman si ArkiBeki, maraming mga friendships. Mapa-Otoko, bilat o mga kapwa natin bekis. Ngunit, subalit, datapwat meron akong di maintindihan.

Bi

Sa USA, UK o kahit saan sa labas ng Pinas, my understanding is that isa siyang lalaki na may feelings toward a guy or/and girl. Kumbaga ang preference niya pwede sa lalaki o pwede sa babae. Take for example si Duncan James ng boyband na Blue. Yup, umamin na siya, ang pagkakatanda ko may anak at asawa siya, pero inamin niya ring nagkarelasyon siya sa isang guy, his close friend.

Duncan James of Blue. In fairness di ko siya naamoy dati. Ang hinala ko nga si Lee ang may bahid...

Going back to the story, my observation to the definition of Pinoys to the word Bi is that a gay guy wearing  manly clothes. Yup, mga beki din sila na ang get-up pang straight pero mga otoko rin ang bet.

May isa pang scenario na darating to the point na manliligaw sila ng babae just to say na may naging GF sila proving that they are Bi. Alam nyo, naaawa ako sa girl na pumapayag na maging GF ng isang Bi. Si bilat naman, porke gwaping si Bi (aminin natin na karamihan sa mga Bi ay may itsura) sasagutin at magbubulagbulagan (naalala ko tuloy yung "What I did For Love" ni Lea Michele sa Glee).

I'm not against the so called "Bi"s of the Philippines. Pero sana stay true to yourself. I admit straight ako manamit, hindi dahil ayaw kong mapagkamalang beki, kungdi dahil doon ako comfortable, ganon ako pinalaki. Pero tignan nyo naman I call myself Beki, not Bi (at dahil nga dyan maraming nag-aakala na straight ako he he he).

Sa mga kapatid ko namang bekis na ayaw mapagkamalang beki pag naglalakad sa mall, here are few pointers.

HAIR: Common sa mga straight at bekis nowadays to use gel or wax, but their difference is that straight guys don't style their hair with a fancy curly pattern, common ang spike sa kanila. So para di kayo ma-identify, wag nyo nang pangarapin na mag loop-loop sa buhok nyo. Even straight guys color their hair, ang observation ko lang regarding this, they limit the color/highlight to blonde or light orange, bekis tend to use red or even pink ;p

FACE: Yup, straight use products to their faces too. Ang pagkakaiba nga lang sa straight is powder, bekis tend to use ponda.

SHIRT: Even straight shops at F&H, (hell yeah). Nung pumasok nga ako sa F&H, I observe na halo-halo na ang mga tao doon. Ang pagkakaiba nga lang, bekis tend to choose more vibrant colored shirts than the neutral ones. Oh and one thing, napansin ko lang na ang hilig suotin ng mga bekis yung shirt ng Bench na manipis yung tela. V-neck siya na available in wide variety of colors. So after nyong mabasa 'to mga bekis, itapon nyo na agad yang Bench shirt nyo na yan kasi masyado na siyang giveaway. ;p

TROUSERS: Jeans will do. Ang common na suotin ng mga bekis ay yung checkered 3/4 pants na semi-fit. Please please wag nyo nang suotin yan. Trust me halatang halata kayo dyan.

FOOTWEAR: Kung ayaw nyo talagang mahalata, mag-tsinelas kayo. Yup, the safest are slippers/flipflops. Kasi kapag nagsapatos kayo, ang choice nyo lagi kasi ay yung low-cut sneakers ata yun. Tapos di kayo magmemedyas he he he.

Remember, the pointers enumerated above were meant to give bekis na ayaw pang magladlad ng choice kung what get-up ang pwede nilang masuot. Kanya kanya namang choice yan eh.


Naalala ko tuloy yung nakasakay ko sa FX...

Bet ko 'to. Alam niyo naman si ArkiBeki..weakness ang chinitos he he he

Sensya na mga beki ha, di ako kasinggaling ni Ate Melanie pag kumukuha ng stolen shots he he. Kaya kinuhanan ko na lang siya nung umidlip siya. Pa'no ba naman mga bekis, ang cute niya, tapos chinito pa. Ang alam ko taga-University of the East siya because of his ID lace. Yun nga lang nadismaya ako kasi paggising niya...


...isang very flamboyant hair flip ang kanyang ginawa. Nahatsing tuloy ako. Bigla kasi akong nakalanghap ng paminta. CHOS!

6.05.2011

10 Essential Things in Architecture...for students :)

At dahil pasukan na naman ngayong araw na 'to, I decided to make a list ng mga kinailangan ko way back then noong nag-aaral pa ako. Sana may mga arki students na makabasa para may heads up na sila sa pinasok nilang industry.


10. ENERGY DRINK
Say hello to eyebags students, dahil malapit na kayong magkita. Mararanasan nyo na rin ang di matulog ng 3 to 4 days straight. At dahil puyatan ang laban, you will need to stay awake. Cobra works for me. Bahala na kayong pumili ng kung saan kayo hiyang ('wag naman kayong uminom ng iba-iba at baka naman mabangag kayo LOL)



09. DRAWING TABLE

And because you will spend most of your time designing, kailangan nyo ng sturdy drawing table na pwedeng i-tilt. I got mine from National Bookstore for Php2500. But that was back then, ewan ko lang ngayon....



08. DESK LAMP

Actually tandem na rin sila ng number 09. Habang nagdo-drawing kayo, you will need to find the perfect angle for the light. But if you are having a hard time finding it...taaaaddddaaaahhh! Desk Lamp ang solusyon dyan :)



07. COLORING MATERIALS

Best Qualities are:
- Faber Castell for Color Pencils
- Sakura for Water Color
- Mungyo for Pastel
- Kure for Markers
Period.



06. T-SQUARE

You will need this big time! Pag nakakita kayo ng mga students na may dala-dala nito, 2 lang yan: either Engineering or Architecture students sila. Maniwala kayo, gamit na gamit niyo to sa course na 'to. If you need long straight line, T-square is the tool for you.



05. TRIANGLES
A Triangle can provide you a straight line, but most important of all, angles baby! Yup, angles. Merong 2 klase: 30x60 at 45X45 triangles. In order to achieve the perfect angle, kailangan straight surface ang pinagpapatungan ng triangle nyo, to achieve this, you will need the help of number 06.



04. SPECIALTY PAPERS

Tracing, Canson, Stratmore, Bristol, Master Board, etc. Ang isa pang labanan sa course na 'to ay ang pagandahan ng presentation. At para dyan I present to you the Specialty Papers. I'm not saying this just to impress your classmates with an expensive paper. You see, a certain paper = a certain coloring material. In example, Stratmore for Watercolor. Don't worry, mae-encounter nyo rin yan as years go by.



03. TECHPENS

Short for Technical Pens. You will need this para luminaw ang mga drawing nyo. Marami siyang mga needle thickness: 0.1, 0.2, 0.4 so on and so fort. Staedtler is the best for me. Di ko namang sinasabing pangit ang Rotring, siguro mas sanay lang ako sa Staedtler. Pero lately I've been using Felt Tip Pens he he he.



02. PENCILS

Mechanical or yung tipong Mongol. But I prefer the latter. Kasi 'pag wood pencil ang gamit mo, dun mo masusubukan ang skills mo to control your line thickness or line weight. Lalo na pag pinagamit ka na ng F or HB.



And to top them all......



01. MONEY

Yup! In order to buy all the 9 things above, you will need lots and lots of money. After all, Architecture is an expensive course :)


All the brands I mentioned are based on my experience. You are entitled to your own opinions naman, siguro kanya kanya rin yan, kung saan kayo sanay o masasanay :)


P.S.
I did not include a PC in the list. You will need CAD naman mga bandang 3rd year na. Tsaka 'pag may Computer Application subject na kayo :)