4.13.2011

Coffee Jelly Frap

Kaaliw talaga 'tong si BM, special mentioning pa ako sa blog post niya (Outsourcing). Boylet galore na naman teh. Thank you ulit anito.

Anyways, highways, dahil sa kababasa ng ibang may i follow na blogs, the latest entry from Miss Chuniverse (www.misschuniverse.blogspot.com) regarding her sexperience experience sa Starbucks, may naalala bigla ako kaya.... may entry ulit ako for you bekis.

One of my favorites sa Starbucks (na hindi ko malaman kung bakit may mega-kulot na girl sa logo...choz!) ay ang kanilang Coffee Jelly Frap. Why do you ask? I have three reasons for you:

First because malamig siya (ganun kasimple!). Next, dahil ang favorite coffee flavor ko ay Cappuccino. Last and the most important of all, like ko yung Coffee Jelly. Gusto ko kasing may matigas malambot na nginunguya sa bibig ko (walang double meaning 'yan mga bekis ha?)




I remember pa, nung nagwowork ako sa somewhere in Makati. Bago pa lang ako sa work, lunch break non, nang may mag-invite sa akin na mag-coffee....


- "Arki Beki coffee tayo..."
   - "Sige..", payag ko dahil siyempre new pa lang ako doon kaya kailangang makisama.

May I get naman ako ng anda sa wallet ko, Php100 kasi wala akong barya. Sabi ko naman: magkano ba naman ang 3in1? Php6 o Php8 lang naman.

Amp....dinala ako sa Starbucks, buti na lang Php100 yung dala ko. Malay ko bang ang ibig nilang sabihin sa kape ay Starbucks at hindi Nescafe 3in1. So ang inorder ko para di mapahiya si Arki Beki ay ang kanilang pandukhang kape (Php70 ata yun, di ko na maremember mga teh!) :)

Going back to Coffee Jelly Frap, may nakakatuwang eksena nangyari one time  nang umorder ako ng favorite kong kape. I admit lahat ng mga barista ng Starbucks na mga otoko ay mga Muy Guapo, lahat yata ng mga mukhang CroMagnon sa kitchen nilalagay...choz! Kaya ng umorder ang Arki Beki....

- "Boss (boss daw o!), isa ngang Coffee Jelly Frap.'
   - "Sir what size po?"
- "Venti...Ventiti Ventiti Ventiti Titi Titi Titi...."

(Napatigil ang lola niyo, pano ba naman kasi GWAPO as in gwapo naman ng kaharap ko. Kamukha ni Martin Jickain nung Mossimo days niya).

  - "Sir?'
- "Uhm...Venti..."
   - "Your name sir?"
- "Arki Beki...number ko di mo kukunin?"

Gusto ko sanang pagtripan, bibigay ko sanang name ko EVER, para pag tinawag nila ako: "One Coffee Jelly Frap for Ever!" Tapos pag may topak ka talaga pababayaan mo lang si pogi sumigaw ng sumigaw: "Forever Forever Forever!" Ngunit, subalit, datapwat...di ko ginawa. Ayoko ngang magmukhang tanga ang future BF ko..choz!

   - "Sir?"

Pagtingin ko sa kanya, nagtagpo ang aming mga mata, ang kanyang light brown colored na mga mata. May munting ngiti sa aming mga labi. May kagat labi ng konti. May konting pakiramdaman. Nang di ko inaasahan....

- "Yes?"
   - "Pwedeng makuha ang number mo?"

...
...
...
(Moment of silence....)
...

   - "Sir Php170 po."
- "Huh?"
   - "Php170 po yung Coffee Jelly Frap..."

Gggggrrrr!!!!! Heto pala yung sinasabi nilang ang gigising sa yo sa Starbucks hindi yung caffeine kundi yung presyo. Pero carry na mga teh. After all, yan ang presyo ng pagiging sosyal...choz! :)

No comments:

Post a Comment