4.27.2011

Past, Present, Future

Hi mga beki!

Ok lang ba na serious mode muna ako today?

Help naman o! I have a problem, just need your honest opinions here.

Confused lang ako. Sino ba? Si Past, Present o Future?

Past
Ex ko. My 1st BF. Beki. Nakilala ko thru a common friend. He is charming and handsome (papayatin niyo lang si Gerard Anderson ng konti). Kaya aaminin ko pumayag akong maging kami. In short, I fell in love for the first time. Pero ang mali ko pumayag akong maging "other beki". Oo, kabit, no.2, ka-love triangle, call it whatever you want. "You and Me Against the World" ang drama ni Arki Beki. Ang ending, 2 buwan lang naman akong umiiyak gabi-gabi sa kuwarto (mas matagal pa ang recovery kesa sa actual time na naging kami - 3 weeks lang...). Oo, I experienced being heartbroken for the first time. Ansakit pala :(

Present
My current. 2nd BF ko. Beki rin. Nagkakilala sa inuman. Typical. Kuwentuhan. Nalaman niyang wala akong ka-on, nalaman kong wala rin siya. Nagkatipuhan. We agreed to give it a chance. Ang good news, magwa-one month na kami sa first week ng May. <3

Future
(Kasi I remember saying to him na "I think my future is clear, it happened when I met you....")
Straight. Matangkad, slim at guwapo. He came in between my Past and Present. Nakilala ko sa isang Amusement Center. I was standing there waiting for my 2nd turn to play MVC2 when he approached me. "Kuya?" (Kuya raw o!) "Paturo naman pano maglaro gamit si Sakura, ang galing kasi ng Sakura mo kanina eh..." Nung una friendship lang, pero sa dalas ng pagkikita namin sa favorite hang-out namin, na-develop ang feelings ni Arki Beki. I confessed. He was stunned, di dahil sa nalaman niyang Beki ako (He knows na beki ako di lang halata sa unang tingin, that's why he agrees to hang-out with me, di raw ako halata, pwede raw akong dalhin kahit saan ano ko bag?) Kung di dahil di niya raw akalain na maiinlove ako sa kanya. Ang sad news, he did not give his answer, he just left me hanging...


The "confusion" triggered this week...


Si Future nag-text kahapon ng 9am:


Future:     Gd.Am Arki Beki, Si Future 2 (akala niya siguro binura ko na number niya), sor f nw lng me nktx. F my xtra tim k sna mya pnta me dun s -- ------ (our favorite hang-out) s my video gmes mga 12-1 pm  nandun, hangang 4pm lng me cgro, gd. Blz

After kong intindihin ang txt niya (ganyan talaga siya magtxt he he he), nagreply ako...


Arki Beki: Kamusta k n? Buti nagparamdam ka. D q sure kung pwede aqng umalis ng bahay ngaun...


Future:      Kya nga tinxt kta db,kw bhla f bz ok lng skin, inin4rm lng dinnmn kta n pu2nta ko dun mya, umiiwas kb akala ko b gs2 m mlaman sgot ko, cge kw bhla, gd. Dy


Arki Beki: Cge antay mo q, punta q...

1:14 pm, I arrived at the place...


Arki Beki: Future, san k n? d2 n me.

No reply.

2:58 pm...

Arki Beki: Future d2 lang me ha, antay kita. San k n?


Future:      Arki Beki,cncia n f mdy mttgalan me ng knti pgdting dyn, mtgl enrolment d2 s iskul, i enrol ung kptid ko,lst fre tx kna 2,cncia n tlg bsta drting ako jn promiz


Arki Beki: Cge antay kita :) 

4:03 pm...


Arki Beki: Future muzta enrollment? d2 lang aq ha? antay kita...

No reply.

6:30 pm...


Arki Beki: Ei Future san k n? Kain lang ako tapos babalik din ako pagtapos, antay mo ko ha pag andun k n...

No reply. After 15 minutes, I returned to the place.

8:58 pm


Arki Beki: Future uwi n q ha, kc aq n lang and2, nagpapatay n cla ng mga ilaw, closing n kc. Cge...

Wala pa ring reply.

In short, di siya dumating. "Siguro walang load o d kaya naempty batt", I thought. Tinulog ko na lang pagdating sa bahay.



Kinabukasan, my phone started to vibrate, someone's calling me. Laking gulat ko...si Past.

Past Caliing...

Reject


Past Calling...

Reject pa rin

Tinext ko si Past


Arki Beki: Past Y?


Past:         Bat ayaw mong sagutin?


Arki Beki: May mga kasama q d2 s bahay, gus2 mo bang ma-eskandalo aq d2?


Past:         Lumayo ka.


Arki Beki: Y b? Importante b?

After that, wala ng reply...


I confess, parang may bumalik dahil sa mga nangyari kahapon at ngayon. Di ko alam kung hope o feelings.

I feel guilty. I feel like I'm a bad person. Alam kong mali ito. Unfair para kay Present. The guilt continues to grow lalo na nang nagtxt kanina si Present...


Present: Bhe, can't wait for May to come. Love U. Muuuaaaahuuugggzzzz! 

4.22.2011

Rampa

Hi mga beki. Dahil Holy Week pahinga muna sa bahay. And because I choose to stay at home rather than to have a vacation, ito ulit si Arki Beki at may entry na naman ako...

This time Arki Beki goes to...


to watch...


Yup, that's what I consider a rampa. After all, I'm not your typical beki di ba?

Well, I admit I'm not that of a die-hard fan of PBA, or basketball to be exact. Hell I don't even play. Basta yung tamang timpla lang (parang Nescafe 3in1 lang no? Sori ha wala akong maisip na magandang metaphor eh).

After all these years (parang song lang ng Journey, choz!), ngayon lang ulit ako nakapanood. Maraming dahilan, studies then and now work. Pero based on my observations, marami pa ring hits and misses ang PBA.

Well pagpasok na pagpasok mo palang, tatambad na kaagad sa yo ang mga Roving Snack Vendors. Yun ang mali namin, dapat pala bibili ka na ng snacks mo sa labas pa lang ng Araneta Coliseum tapos itago mo ng bonggang bongga sa bag mo kundi makukumpiska ni Manong Guard. And the height pag lumabas ka pala ulit ng AC another ticket! So walang choice kundi bumili kina ate at kuya na may Red Cap with matching ilaw ilaw.

Sila ate at kuya habang abalang nagbebenta ng snacks

Ang menu (menu daw o!):
Cheeseburger - Php60
Pizza Slice - Php70
Iced Tea (large) - Php60
Popcorn (tumbler) - Php70

Naku kundi ba naman...gggrrrr!!! Muntik na akong mapa cartwheel sa mga presyo na yan!

Buti na lang may bonus sa panonood ng live game, makikita mo in person ang mga otoko. Bird watching kung bird watching!

Game 1: Air 21 vs. Talk & Txt
Quite frankly, I enjoyed the game. Magaling si Alapag mayabang nga lang. Winner ang Talk & Txt. Pero may isang otokong nakapukaw ng aking atensyon sa game na 'to. Kung sino? Maya-maya na lang....choz!

Game 1: Haaaayyyy! Tagal ng Game 2...choz!

Game 2: Smart Gilas vs. Ginebra Kings
Ito talaga ang pinunta namin. Siyempre Ginebra fans kami. Ako rin pero hindi ganun ka die-hard sabi ko nga earlier. Ang die-hard yung mga kasama kong relatives. Sayang nga lang talo sila that night. Pero siyempre bird watching pa rin si Arki Beki.

Game 2: Sayang talo Ginebra....


Overall, it was a fun experience. It was a good 4-hour seating experience. Yup mga beki, ganun katagal: 4 hours yung dalawang games. Pero may mga mini-games naman na pang-aliw :) But the cherry on top of the icing (tama ba yung saying ko?), may 3 otokos na stand-outs nung gabing yun.



Otoko A) Larry Fonacier of Talk & Text

First time ko lang nakita si Larry pero nung masilayan ko siya...aba aba ang ganda ng skin. At parang fresh na fresh.




Otoko B) Chris Tiu of Smart Gilas

Yup yup si Chris Tiu. Iba kasi ang dating niya as player kesa host. May "umph" factor kumbaga.




Otoko C) Jayjay Helterbrand of Ginebra Kings

Nung una di ko siya gusto kasi mukha siyang sangggano. Pero that night mga bekiiiiiii, may injury siya kaya di siya naka-jersey. Ang hair and body!!!! Mukha tuloy siyang Hangul-saram o Nihonjin!!!


(Sorry mga beki ha, wala akong actual shots nila that night. Masyado na kasing malabo pag naka-zoom in...)


O pili na kayo sa mga choices. Just leave your comments. Siguro naman based sa 3 choices na yan alam niyo na kung ano ang common sa mga otoko na yan, alam nyo na siguro kung ano ang type ni Arki Beki <3

4.17.2011

Secret Crush

Psssttt.... mga beki, come here.

Can you keep a secret?

Meron akong crush ngayon.

Isa syang reality star. Ang ganda ng "contour" ng mukha niya. Ang katawan...halatang alagang-alaga. Ang kutis...makinis. Ang personality...walang itulak kabigin.

Nung una ko siyang makita sa TV, sabi ko... "WOW!". Ilang araw ko rin siyang inisip, pinagdasal na mapanaginipan.

Hindi ko alam kung paghanga lang ba talaga 'to.

.......
.......
.......

Mga beki, let me present to you my secret crush...

......
......
......

Mikaela from America's Next Top Model Cycle 16

Bakit masama bang humanga ang beki sa isang girlaloo? If this is what they call lesbianism...

...then so be it.

Teka may naririnig akong mga kulog...CHOZ! :)

4.15.2011

PTR

PTR = Professional Tax Receipt

PTR = Php 870

PTR = PuTaRagis

Ggggrrrrrr!!!! Kainis yung eksena nung isang araw sa munisipyo.

Dahil pasahan na ng requirements dun sa in-applyan ko (Yes, pumasa si Arki Beki bakit ba?), kailangan na namang i-gather ang mga docs ko. And one of them ay ang (pahiram ng malalim na Tagalog Cristy Fermin...) pagkatangi-tanging PTR.

So dala ako ng one kyaw for all the requirements (yun ang estimate ko mga beki). Php110 for the NBI, Php60 for the Barangay Clearance, so on and so-en (panty?). Eto na, pagdating sa PTR at pina-compute ko... ang estimate ni Manang Kahera: tumataginting na Php 870!

So imbes na isang araw ko lang gawin ang routine na ito, bumalik pa ako kahapon, and the height Php 870!

My PTR. (Talagang binilugan ko raw yung "Architect"?)

Lagas ang Php 870


Memo to myself: magdala ng anda more than one kyaw. Hayyyy....kapagod!

4.14.2011

Shamcey Supsup - Beauty and Brains

Just wanna congratulate Ms. Shamcey Supsup for winning the Bb. Pilipinas Universe title last Sunday (or Saturday?).

A fine example of beauty and brains - Bb. Pilipinas Universe 2011 Shamcey Supsup

To be honest, I don't really watch Bb. Pilipinas or any pageant at all (after all I'm not your typical beki... I am arki beki! choz!). I'll just watch if there is a candidate from our country who made it in the top 5 or top 10 at least(i.e. Venus Raj in the last Ms. Universe 2010).

But when I was online in FB last Sunday, my friends especially those of in the architecture industry (ex-classmates, ex-schoolmates, ex-professor etc) went berserk flooding FB with messages of support to a certain candidate whose number is 26. That was the time I learned there was a candidate named Shamcey Supsup who topped, I repeat TOPPED the Licensure Examination for Architects (LEA) last June 2010. Oh! I forgot to mention she is a MAGNA CUM LAUDE in UP!

So to Ms. Arch. Shamcey Supsup, congratulations again and good luck with the Miss Universe 2011 pageant. (So glad your an ARCHITECT! Represent!!! LOL)

4.13.2011

Coffee Jelly Frap

Kaaliw talaga 'tong si BM, special mentioning pa ako sa blog post niya (Outsourcing). Boylet galore na naman teh. Thank you ulit anito.

Anyways, highways, dahil sa kababasa ng ibang may i follow na blogs, the latest entry from Miss Chuniverse (www.misschuniverse.blogspot.com) regarding her sexperience experience sa Starbucks, may naalala bigla ako kaya.... may entry ulit ako for you bekis.

One of my favorites sa Starbucks (na hindi ko malaman kung bakit may mega-kulot na girl sa logo...choz!) ay ang kanilang Coffee Jelly Frap. Why do you ask? I have three reasons for you:

First because malamig siya (ganun kasimple!). Next, dahil ang favorite coffee flavor ko ay Cappuccino. Last and the most important of all, like ko yung Coffee Jelly. Gusto ko kasing may matigas malambot na nginunguya sa bibig ko (walang double meaning 'yan mga bekis ha?)




I remember pa, nung nagwowork ako sa somewhere in Makati. Bago pa lang ako sa work, lunch break non, nang may mag-invite sa akin na mag-coffee....


- "Arki Beki coffee tayo..."
   - "Sige..", payag ko dahil siyempre new pa lang ako doon kaya kailangang makisama.

May I get naman ako ng anda sa wallet ko, Php100 kasi wala akong barya. Sabi ko naman: magkano ba naman ang 3in1? Php6 o Php8 lang naman.

Amp....dinala ako sa Starbucks, buti na lang Php100 yung dala ko. Malay ko bang ang ibig nilang sabihin sa kape ay Starbucks at hindi Nescafe 3in1. So ang inorder ko para di mapahiya si Arki Beki ay ang kanilang pandukhang kape (Php70 ata yun, di ko na maremember mga teh!) :)

Going back to Coffee Jelly Frap, may nakakatuwang eksena nangyari one time  nang umorder ako ng favorite kong kape. I admit lahat ng mga barista ng Starbucks na mga otoko ay mga Muy Guapo, lahat yata ng mga mukhang CroMagnon sa kitchen nilalagay...choz! Kaya ng umorder ang Arki Beki....

- "Boss (boss daw o!), isa ngang Coffee Jelly Frap.'
   - "Sir what size po?"
- "Venti...Ventiti Ventiti Ventiti Titi Titi Titi...."

(Napatigil ang lola niyo, pano ba naman kasi GWAPO as in gwapo naman ng kaharap ko. Kamukha ni Martin Jickain nung Mossimo days niya).

  - "Sir?'
- "Uhm...Venti..."
   - "Your name sir?"
- "Arki Beki...number ko di mo kukunin?"

Gusto ko sanang pagtripan, bibigay ko sanang name ko EVER, para pag tinawag nila ako: "One Coffee Jelly Frap for Ever!" Tapos pag may topak ka talaga pababayaan mo lang si pogi sumigaw ng sumigaw: "Forever Forever Forever!" Ngunit, subalit, datapwat...di ko ginawa. Ayoko ngang magmukhang tanga ang future BF ko..choz!

   - "Sir?"

Pagtingin ko sa kanya, nagtagpo ang aming mga mata, ang kanyang light brown colored na mga mata. May munting ngiti sa aming mga labi. May kagat labi ng konti. May konting pakiramdaman. Nang di ko inaasahan....

- "Yes?"
   - "Pwedeng makuha ang number mo?"

...
...
...
(Moment of silence....)
...

   - "Sir Php170 po."
- "Huh?"
   - "Php170 po yung Coffee Jelly Frap..."

Gggggrrrr!!!!! Heto pala yung sinasabi nilang ang gigising sa yo sa Starbucks hindi yung caffeine kundi yung presyo. Pero carry na mga teh. After all, yan ang presyo ng pagiging sosyal...choz! :)

4.08.2011

Baklang Maton and Mandaya Moore

Good day to all!

Hi mga beki! I'm just busy lately kaya ngayon lang ako nakapag-post ulit.

First I just want to clear something. I received a comment from an anonymous reader, saying: "Do you have any other interesting topic to blog about..." something to that effect. Well, I just wanna say that I created this blog because I believe that being a Gay Architect (or a gay arki student) is worth a talk (or a blog). All the hardships we need to go through just to survive this business. PLU in this business is a curse to us, the discrimination, humiliation, etc. So if you're expecting to see a picture of a naked guy here or talk about worthless sex experience with a random drunk guy, forget it OK? After all, the title says Arki-Torture right?

Sensya na mga beki ('pag galit ka talaga nakakapag-Inggles ka ng wala sa oras. Tama ba yung grammar ko sa taas?) Anyway, gokongwei balik tayo sa topic natin:

Aaminin ko, itong 2 blog na 'to ang nagbigay ng inspiration sa akin to create my blog. Kumbaga para sa akin, itong 2 na 'to ang tinuturing kong mga anito when it comes to blogging.

Una si Baklang Maton or BM for short (www.baklangmaton.blogspot.com). I first encountered his blog through another blog (itago na lang natin siya sa pangalang Migs he he). I like BM because of his rumor. Yeah aminin na natin na minsan puro boylet niya ang laman ng blog niya, pero ang nakakatuwa dun yung pagnanarrate niya ng mga expeditions niya ng hindi nakaka-offend both sa mga beki and boylets. Kumbaga enough lang just to tickle your imagination. :)

Si Baklang Maton (BM for short)

Next si Mandaya Moore (www.mandayamoore-orlis.blogspot.com). Si Mandaya naman nakilala ko through BM. What I like Mandaya's blog are his boys and bekis. He/she retains a strong bond with his/her friends. Mahahalata mo naman by the way he/she narrates the blog. Regarding boylets, stand out si Kulot. Mararamdaman mo yung love sa bawat salitang binibitawan ni Mandaya. Yun nga lang, the last time I checked the blog, the end na raw! Please Mandaya wag naman! You are talented. I remember the first time I read your blog, talagang tinapos ko lahat ang mga posts mo. Literally di ako natulog (that was around 1am to 5am) kakabasa ng blog mo. So please wag ka muna tumigil. Alam ko active ka pa sa blogging kasi you just followed me recently. (Thanks btw).

Mandaya Moore's avatar in his/her blog

So there, I hope one day matulad ako sa 2 ito. I hope one day may ma-inspire rin akong tao....