Uy clear ko lang yung title ng post ko ha. Di ako nakikipag-away sa mga Call Center Agents. In fact, may mga friends akong Agents, yung iba QA na. Yung vs. dyan parang comparison lang ;p
Andami ko kasing mga kaklase nung High School na ang piniling profession ay sa Call Center Business, pero ang HS namin ay Pre-Engineering Technological. Meaning to say, it's either Engineer ang labas mo o di kaya Architect (which is Watashi wa sa Japanese at Naega sa Korean weeeehhhh).
Nung fresh grad ako, naengganyo rin akong mag call center. pano ba naman P14k ang narinig kong starting pay that time, net na yun ha. Pero ang sabi sabi ang totong sahod mo raw dun is P4k lang...yung P10k pampa-ospital mo raw after ng first 6 months mo sa trabaho ;p
Pero I chose to stick with my profession, tiniis ang mababang sahod bilang draftsman, kumbaga di ako nalihis sa field ko. After ko namang makapasa ng Board eh unti-unti namang tumaas yung sahod.
Ngunit subalit datapwat... balik tayo sa title ng post ko. Arki Beki vs. Agent Beki
01. Ang Arki Beki ang iniinom sa start ng day sa office kape. Nescafe 3in1 (yung...pahiram Coco ha "Yummy parang Caramel" he he) o di kaya yung Kopiko. Gagastos ka ng P10 para dun sa sachet ng kape plus styro at stirrer sa Canteen. Ganun din naman sa Agent Beki. Pili ka ng like mo... Black, w/ Cream, Cafe Latte, Cafe Mocha o Cappucino, the only difference walang charge, pipindot ka lang sa vending machine provided by the company.
02. Ang Agent Beki naglalagay ng wax sa buhok bago pumasok. Ang Arki Beki wala nang ilalagay sa buhok, wala ng buhok eh, lagas na kakapuyat.
03. Ang Agent Beki the whole day nasa office lang, nakaupo sa Ergonomically Designed chair at nakaharap sa Flat Screen Monitor in an air-conditoned office space set to 19 deg C thermostat. Ang Arki Beki maghapong nasa site, tumutulo ang pawis para lang mairaos ng maayos ang project.
04. Ang Arki Beki walang panahon sa lovelife. Bukod sa walang ibang beki sa office dahil puro mga otoko ang mga kasama mo, wala ka na ring time para sa social life mo thus wala ka na ring love life. Ang Agent Beki kahit di lumabas ng office magkakaroon ng lovelife. Konting paramdam here there and everywhere magkakaroon ka na, aminin naman natin, almost 75% ng call center world eh mga **eherm** mga beki ;p
05. Ang mga Call Center Beki walang uniform, shirt lang at maong pwede ka ng pumasok sa office. Ang Arki Beki the whole week naka-uniform, swerte mo pag may wash day lang kayo.
06. Ang Agent Beki isa sa requirements dapat magaling kang mag-Inggles. Ang Arki Beki naman tamang Tagalog lang ok na, kakausapin mo lang naman mga Construction Workers sa site. Leave the English to the Managers na lang.
07. Pagdating ng hapon, ang maririnig mong alok ng officemate ni Arki Beki: "Gusto mo ng Cheese Pandesal ng Julie's?". Ang maririnig mong alok ng officemate ni Agent Beki: "Croissant from Starbucks, you like?"
08. End of the day. Ang makikita mong hawak ng Agent Beki ay San Mig Light kasama ang ibang Agent Beki sa baba ng office nila. Ang Arki Beki Light din ang hawak, Flashlight..nag-iikot sa site at nag-iinspect ng project kung going smooth ba he he he.
Again, kanya-kanya lang namang choice yan, masaya maging Arki Agent. Masaya rin naman maging Arki Beki.
Ask ko yung friend kong Agent, sabi niya: "We don't discriminate in our company, in fact may CR pa nga kami para sa 3rd sex."
Sa pagiging Arki Beki, yes there is prejudice in our world. Uulitin ko, when someone questions your sexuality, that's when prejudice starts. Ang sa akin lang hangga't wala kang naapakang tao, go lang ng go.
O Zsa Zsa Padilla, balik muna ako sa pag-o-AutoCad, marami pa akong utang na plano. 'Till next time mga bekis ;p