Sorry mga bekis ngayon lang ulit ako nakapag-post. Medyo busy si Arkibeki these past few days. Malapit na kasi mag-open yung kino-construct naming project, kaya patayan na naman sa trabaho. Minsan nga muntik muntikan na akong abutan ng 12 minight sa office dahil lang sa Elevations at Sections na 'yan. Pero I make sure na di ako aabutan ng 12AM sa work. Hindi dahil takot ako sa multo, kungdi dahil...(sandali Leila Lopes pahiram muna ha?) Let me give you an advice:
"Nag-umpisa na ang araw ko sa trabaho, ayaw ko namang it will end sa work pa rin"...
TINNNGGG!!!
Choz!
Anyway, by the way high way, dahil sa Stress Drilon na rin ako sa work, something happened yesterday...
.... I cried.
Siguro naman lahat ng employees dito makakarelate sa akin. Yung typical na may sama ka ng loob sa boss mo dahil tinatadtad ka ng load o kay dahil napagalitan ka 'coz di mo na-meet yung deadline.
Well the latter one happened to me yesterday. The only difference ay 5 kaming magkakasama sa isang kuwarto when she yelled: " Ang bagal-bagal mo, tapusin mo yan!" sabay bato ng planong pinaghirapan mong gawin for 4 days. OK lang sana kung kagrupo namin yung kasama namin nang binulyawan niya ako, kaso sa kabilang Dept yun.
Kaya pagbalik sa table/workstation ko, di ko na napigilan ang sarili ko. I cry me a river. Siguro tumagal ng 15 minutes yung pag-emote ko na yun.
Hindi ko bina-blog 'to just to trashtalk my boss. O ihinga yung sama ng loob ko...
...gusto ko lang sabihin na ang pag-iyak ay hindi senyales na mahina ka. Pinapatunayan mo lang sa sarili mo na tao ka na may emosyon at nasasaktan din.
After all, di naman ako bato...este CHB wall na plasterd finish no? ;p