After a long day of work, my only outlet is Facebook. Pampa-relax o pampatanggal ng stress, that's FB for me. Pwede akong mag-browse ng photos, manood ng links, etc.
Pero ang nakakainis eh 'yung pagbukas na pagbukas mo ng FB eh puro papansin ang nakikita mong posts.
Let's name five of these.
Again, this is my personal opinion, pwede kayong magreact: wag nga lang violent...choz!
5. Don't tag yourself in your own photo.
Kaya ka nagpopost ng pics mo sa FB ay para mag-share ng pics mo o kaya para lang magyabang. Kesyo nakarating ka na sa ganitong lugar o kaya kasama mo si ganitong artista. Well that's excusable. Pero over the top na kung pati sarili mo ita-tag mo pa. Enough na yung ipa-publish mong nag-add ka ng ganitong pics sa ganitong album. 'Pag tinag mo pa ang sarili mo para ka nang nagpapapansin niyan di ba?
4. Don't make "parinig" to your enemy/ies.
"Tatamaan ka rin ng kidlat hayup ka!" o di kaya "Masusundot ka rin ng toro sa puwet!". Mga ganong posts ang inis na inis ako dati. Kasi parang it is better to confront that person kaysa naman nagpaparinig ka ng kung anu-ano. Pero one friend told me that parang may halong fun daw kasi ito. "yung guessing game kumbaga. Parang pag nabasa na 'to ng enemy mo eh huhulaan niya pa kung siya ba talaga yun o ibang tao. So let me rephrase that statement: Don't make "parinig" to your enemies... if you don't want confrontation two to three days later ;p
3. Don't post where you are.
Isa na namang case tong kayabangan o di kaya papansin lang. Chuva is in Gold's Gym means he is flaunting he works out or he is in lust and looking for a quickie. Chuva is in Mang Inasal means kulang ka sa pansin. Dyosme naman pagkain mo lang sa Mang Inasal kalilangan mo pang ipost?
2. Don't post your (relationship) status.
Sa mga totong in-love OK lang. Ang nakakairita lang pag BEKI ka at gusto mong ipangalandakan na may BF/Buddy ka pero di lantaran ang iyong tunay na kasarian sa madla, anong gagawin? Magpo-post ng married status sa FB para lang ipaalam na taken na sila at wala ng mangungulit. Pero itanong mo kung sino ang lucky girl walang maisagot. Pano ba naman si girl ay guy pala talaga >:(
And the number one "Don't" sa FB na kinaiinisan ko...
1. Don't like your own post.
Kapag nagpost ka ng status, photo, video o kaya link, ang ibig sabihin non ay nagustuhan mo yung content o material within that post. So it is very redundant, I repeat REDUNDANT! ang pag-like sa sariling post. Either KSP ka lang o di kaya Narcissistic ka na talaga.
'Yun lang!