7.23.2011

Taxi Confessions

Anyong haseyo mga beki! Sensya na ha medyo matagal ang interval ng mga post ko. Galing kasi ako ng Korea... nagkita kami ni Hyun Bin. You know si Owen ng Secret Garden...

Chos!


Marami lang mga projects kaya medyo busy.


Anyway gokongwei. Nangyari lang ito last Tuesday.

Kapag pumapasok kasi ako sa work, Otokos FX ang sinasakyan ko, pero 'pag late na nagta-taxi na ako.

8:30 am, late na ako ng bonggang bongga. Hindi ko naman pwedeng ilagay sa Undertime Slip ang "Fashionably Late" na reason, naka-polo shirt lang kaya ako.

Kaya ang drama ni Arkibeki, para na ng Taxi.

Driver: "Sir, (Mam po kuya) sa'n po sila?"
Arkibeki: "Kuya sa MOA tayo."

Napansin kong medyo makwento si kuya, jolly kumbaga. Ask niya kung saan ako work, comment dito comment doon.

Hanggang may nadaanan kaming isang maganda at seksing bilat.

Aba si kuya biglang nag-dialogue ng ganito:

Driver: "Sarap siguro niyan."

So ako mega flip ng hair pa-kaliwa para tignan si kuya. Mga beki!!!! May fez ang loko!!!!

Gusto ko sanang digahan, tignan ko kung kakagat sa mga parinig ko...

but I'm afraid.

As you can see Henry Sy, inosente pa si Arkibeki sa mga ganitong bagay.

But I need to channel my inner Ms. Chuni. Nabanggit niya naman sa blog niya (www.misschuniverse.blogspot.com) na may mga driver na pumapatol sa mga PLU. Kaya after 10 minutes nagmorph na ako hi hi hi.


Arkibeki: "Masarap nga yan kuya... kaso walang dating sa akin yan eh."
Driver: "Ganon ba sir he he he?"

Arkibeki: "Kuya kinukulang ka ba ng boundary?"
Driver: "Minsan sir."
Arkibeki: "Ano'ng ginagawa nyo pag kinukulang?"
Driver: "Minsan tiis na lang, minsan napupuyat para lang umabot sa boundary..."

Eto na to, wala nang atrasan. Malaki naman ang bicep ko kung saka-sakaling bigwasan ako, masasangga ko naman kahit papano...

"This is the moment,
Damn  all the odds.
This day or never,
I'll sit forever with the Gods."


Arkibeki: "Kung gusto mo 'pag kinulang ka kuya text mo ko..."

After that, inalis ko ang tingin ko sa kanya. Tumingin ako sa may windshield, kinakapa ang sitwasyon. Pano kung bigla na lang niya akong tanggihan, or worse may dumapong right elbow strike sa mukha ko?

Nang...

Driver: "Bakit sir? Bakla ka ba?"
Arkibeki: "Hindi kuya, girl ako Bakit kuya hindi ba halata?"
Driver: "Ang galing nyo sir, di ko kayo nahalata nung una!"
Arkibeki: "So kuya bibigay mo na ba number mo?"
Driver: "Bakit sir? Ano ba magiging kapalit para lang may pangpalit ako dun sa kulang ko sa boundary?"
Arkibeki: "Hindi kuya magkukwentuhan lang tayo at magtetxt ng wan2sawa Syempre tetxt kita at alam mo na...kung kelan ka pwede o kung kelan ka kinulang txt txt tayo para alam mo na may mangyaring "give it to me".

The next scenario, we are exchanging cell numbers. And his name pala is John Paul mga beki.

Driver: "Pero sir sorry kung di ko kayo mareplyan ha? To tell you the truth di talaga ako pumapatol eh. Maraming nagpaparamdam pero hanggang doon lang yun sir. Di ko ini-entertain."
Arkibeki: "Ganun?"
Driver: "Kasi sir may asawa't anak na ako. 'Pag mainit pakiramdam ko, andyan naman si misis he he."

This time medyo sad na ang fez ni Arkibeki. Di na ako nakatingin sa kanya. Nakatingin na ako sa kawalan.

Driver: "Pero sir one time may sakay akong bakla, ang sabi hahawakan lang daw si manoy..."

Bigla tuloy akong nakarinig ng doorbell.
DINGDONG! DINGDONG! DINGDONG!

Arkibeki: "So?"
Driver: "Sabi niya bibigyan niya ako ng P200 pahawak ko lang daw."
Arkibeki: "Syempre tinanggihan mo?"
Driver: "Pinahawak ko sir, hawak lang naman eh."

Mabilis pa kay Lydia de Vega na hinagilap ko ang aking wallet. Nagbabakasakali.

Bukas ng zipper, bulatlat ng secret pocket...

Hanap dito, hanap doon...




Fastforward sa office:

Officemate: "Arkibeki ba't ang saya saya mo? Late ka na nga ng 1 1/2 hours ah?"



Arkibeki: "Wala lang, ngayon ko lang naintindihan ang saying na "The Filipino is worth dying for..."


:)

7.10.2011

Site Visit: Balibago, Pampanga

Arkibeki goes to...



Saver's Mall....

Balibago....

PAMPANGA!


Ngunit, subalit, datapwat...

strictly work ang pinunta ko dito.

May project kasi si Arkibeki dito. And to top it all, kasama pa ang bossing.

'Di tuloy ako maka-sight ng mga otoko....

Well, yun ang akala nila.

Habang naglilibot kami, habang tumitingin tingin ako ng mga drywall, sprinkle at kung anu-ano pa, nag-o-otoko hunting naman ang astral projection ko he he he.

Tumingin ako sa labas...


...aba missing in action ang mga otoko.

Pasok ako sa loob...


..aba wala pa rin. Teka, akyat nga ako...


... ayun, target sighted!

Kaso mga Kuyas and Manongs na ang mga 'to.

Maganit na...

Nagtanong ako sa sarili ko:

"Saan?"

"Saan ako nagkamali?"

"Where?"

"Where do broken hearts go?"

'Di na ako nakatiis, tinanong ko na ang isa sa mga sugpong worker (yes, kung katawan ang pag-uusapan, meron sa kung meron. Pero ang gusto ni Arkibeki, yung may fez naman at katawan. Para masabi ko rin ang sinabi ni Coco: "Yummy! Parang caramel!" choz!

Arkibeki: "Kuya, ba't ang konti ng workers? Sa'n po yung iba?"
Worker: "Ay sir, (sir daw o!), gencon palang po yan, wala pa po yung MEFPS..."

Ahh, that explains it.

Karamihan kasi sa mga bata at may fez and body na mga worker ay sa mga Electrical at Mechanical contractor nagwowork...

So ayun, natapos ang site visit nang walang natatarget acquired, sighted lang.

Pero antayin niyo ang pagbabalik ni Arkibeki...

Humanda kayong mga MEFPS workers he he he.

For a meantime, enjoy muna ako sa Piyaya. Kain mga bekis! :)